CHAPTER 34 "Hurricane!" Nagtatakbo palapit sa’min si Pierre tapos hinila niya ako at inikot ikot, maya-maya naramdaman ko na nasa ibang arms na ako at nakasimangot na inilagay ako ni Reese sa likod niya at saka niya hinarap si Pierre. "Lumayo ka sa fiancee ko!” "Ayoko nga! Hurricane payakap!" Nang lulusot sana si Pierre sa gilid ay hinawakan ni Reese sa kwelyo si Pierre pagkatapos ay inupo sa isang upuan tapos ay may hinila siyang mahabang garland sa tabi at itinali si Pierre. Napatawa ako sa itsura ni Pierre pero napahinto ako ng may pumasok na babaeng masama ang tingin kay Reese. "Pakawalan mo ako dito!" "No, hindi ka pwedeng lumapit kay Hurricane-" "SINO KA?! Bakit mo sinasaktan ang asawa ko? Gusto mong gawin kitang adobong tao?!" Napatulala kami ni Rees

