CHAPTER 1
"Hes Here!"
Excited na sabi ni Alodia pagkababa palang ni Justine ng kotse
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Alodia na malapad ang ngiting naka harap sa akin.
"So, ready kanang magpatali?." Tanong ko sa kanya na niyakap siya ng makalapit ako sa kanya.
"Uhummn.. so excited kuya! Oh ayan naunahan pa kita kelan kaba kasi mag aasawa kuya?." Nakangiting Turan nito sa akin.
"Anung kasal? Wala yan sa Vocabulary ko anu."
Tinignan ako nito ng makahulugan sa sagot ko
"Sure kaba eh baka di mo pa kasi nakikita ang babaeng magtatali sayo. Pero baka dito mopa makita o makilala." Kumikislap ang mata at makahulugang ngumisi ito saka hinila ako papunta sa kinaroroonan ng mapapangasawa nito
Agad naman kaming napansin ni Blue na ngumiti na naglakad pasalubong sa amin ni Alodia.
"Bro, atlast you're finally here! kamusta? kanina kapa inaabangan nitong pinsan mo. Bro ang tawag ni Blue sakin kasi mag kasing edad lang naman kami kaya masagwa naman kung tatawagin niya din akong kuya, mas matanda lang ako kay Alodia ng dalawang taon.At Kilala kona si Blue,dahil ilang beses na din kasi itong pumunta sa amin, mula ng maging sila ng pinsan ko tuwing bakasyon ay sumasama itong umuwi sa Pinas para magbakasyon kaya dina iba sa amin si Blue. Mabait, Gwapo at Magalang at may kaya din sa buhay.
Hinawakan nito sa kamay ang asawa matapos makipag shake hands sakin
"Busy kasi tinapos ko muna yung trabaho ko sa office bago pumunta dito para makahabol sa party, alam muna magtatampo ang iba diyan pag di ako dumating na balak ko pa naman sana na bukas nalang sa mismong araw ng kasal pupunta." Nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Alodia na naningkit ang mga mata sa sinabi ko.
"Dapat lang talaga! buti alam mo na magtatampo talaga ako sayo alam mo namang ikas ang favorite Kuya ko sa lahat ng mga pinsan natin diba?." Kumapit pa ito sa kamay ko at kinisap kisap ang matang nag pa cute pang nakatingin sakin.
"Ah! wait." bumitas ito sa braso ko ng tila may naalala.
Umalis ito at tinungo ang table kung saan nakatayo ang babaeng kausap kanina ni Blue. Nakatalikod pa din sa kanila,naka plain white sleeveless dress na hapit sa kawatawan ang hanggang tuhod na damit nito, mahaba ang nakalugay at straight na buhok, Saka lang ito tumingin kay Alodia ng kinilabit siya nito, ni hindi man lang niya napansin na mag isa na lamang siyang nakatayo doon habang busy sa pag inum ng alak sa kopetang hawak nito.
Hinila ito ni Alodia palapit sa kanila, kaya ng humarap ito at gumawi ang tingin sa amin ni Blue ay may kung anung sumikdo sa dibdib ko ng makita ko ang mukha niya. Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata na bumagay sa singkit nitong mga mata, walang make up sa mukha, natigilan ako ng mapadako ang mga mata ko sa labi niya. Natural na mapula ang mga labi nito, o dala lamag ng liwanag ng ilaw na naka tutok sa kinatatayuan ng babaeng nakaharap sa amin.
Napatigil lang ako sa pagtitig sa babaeng kasama ni Alodia ng tumikhim si Blue sa tabi ko.
" Are you done?." Tanong ng babae na sakin naka harap, maging ang boses nito ang lamyos.
"Im sorry what do you mean?." Balik tanong ko sa kanya.
"Im asking if you're done, Mukhang pinag aralan mo kasing masyado an mukha ko." Parang wala sa sariling sabi nito.
"Oh! ahmm sorry, I thought I saw you na kasi." Napakamot sa kilay na sagot ko.
"Oh well Kuya, this is Zee my Fiance's Childhood Best friend ." Nakangiting agaw ni Alodia sa awkward na sitwasyon na iyon.
"Hi! Im Justine" pagpapakilala ko sa sarili ko sabay lahad ng palad sa harap nito para makipag kamay.
Tiningnan nito ang palad ko bago inilipat ang tingin sa mukha ko, saka ngumiti ng pilit. Namumungay na ang mga mata nito at batid kong lasing na ito. Tinanggap naman nito ang kamay kong nakalahad.
"Hi." walang emosyong turan nito saka binitawan ang palad ko at muling uminum ng alak
"Seriously Zee? Yun lang? di kaba nagwapohan sa kuy-." naputol ang pagsasalita ni Alodia ng tumunog ang cellphone ni Zee.
Tiningnan nito ang screen at muling umangat ang ulo saka tumingin kay Blue. Hindi ko napigilang mangunot ang noo ko ng kumislap ang mata nito na para bang may ipinapahiwatig ito sa lalaki.
"Uhm, excuse me it's important."
Dina nito inantay na may magsalita samin ng mabilis itong tumalikod.
"Okay lang ba si Zee babe?kahapon pa siyang parang may malalim na iniisip ah, mula pagka dating niya tahimik lang siya at kanina pa siya umiinum." Sabi ni Alodia na mababakas ang pag aalala sa boses nito.
"pagod lang siguro sa byahe babe, at para namang hindi kapa sanay sa babaeng yun umiinum naman talaga yun tuwing may party." Sagot naman ni Blue sabay hingang malalim.
"Oo nga umiinum pero hindi naman na parang nag papakalasing na talaga." Sabi pa ni Alodia saka tumingin sakin.
"Oh Kuya kumain kana muna at alam kong gutom at pagod ka." Baling Nito sakin na agad ko din naman tinanguan.
"Okay, gutom na talaga ako habang nasa byahe palang kanina,di kasi ako nag lunch para matapos agad yung trabaho ko bago ko iwan, tara na!."
At nag patiuna na ako sa table kung san nakaupo sila Mommy at mga Magulang ni Alodia pati na din ang pamilya ng mapapangasawa nito.
"Oh anak kumain kana." Sabi ni Mommy pagkalapit ko
"Hi Mom, where's Dad?." Tanong ko ng mapansin kong wala si Dad, bago ako humalik sa pisngi ng Mommy ko, saka binati na din ang mga Tita at Tito ko at iba pang mga pinsan na naroon sa mahabang table bago balingan ulit si Mommy.
"Oh, Nasa cottage na at pinapatulog ang anak ng Ate Nathalie mo." Nakatawang sabi ni Mommy
"Tsk! Apo niya lang pala makakapag pigil sa kanyang maki inuman." Nakailing ang ulong sabi ko, saka umupo na sa tabi ng Mommy ko. Nathalie is one of ny cousins ang panganay na anak nila Tito Lauro at Tita Mika na kapatid ni Daddy na siya namang mga magulang nila Alodia.
"Kung ikaw ba naman kasi ay nag asawa na edi sana yung anak mo naman ang pinagkakaabalahan namin ng Dad mo." Si Mommy
"Oo nga naman Justine mag asawa kana kasi at ng mag ka apo na sila Auntie, para may kalaro na si CJ." Sigunda naman ni Nathalie sa sinabi ng Mommy ko na tinanguan pa ng iba naming kamag anak na nasa table.
"Oh bat ako? bat di mo sundan si CJ ng may kalaro na?." Sagot ko sa sinabi ni Nathalia.
"Hay nako Justine nag iisa ka na nga lang tapos di mopa mabigyan-bigyan ng Apo sila Ate Sayang ang Kapogian mo kung tatandang binata ka niyan." komento ni Tita Mika na tinawanan ko lang.
"Don't worry Tita, di ako tatandang binata and bata pa ako kaya malabong mangayari yun. And tigilan nyo na ako at akoy nagugutom na." Iwas ko para matigil na ang panggigisa nila sakin.
Masaya kaming nag kwentohan at asaran lalo na sa ikakasal bukas. Matapos kumain ay nag paalam ako sa pamilya ko na pupunta lang sandali sa cottage na nakalaan para sakin para magpalit ng damit.
Habang naglalakad nangunot ang noo ko ng marinig na may nagsalita di kalayuan sa cottage na aking tinatahak.
"No! Hindi sila pweding magpakasal!."
Madiin ang pagkakasabi ng babaeng nagsalita..
Hinanap niya kung saan galing ang boses na iyon,at hindi nga siya nagkamali ng makita ang babaeng nakatayo malapit sa dalampasigan, nakatalikod ito sa kanya ngunit alam niya na ang babaeng iyon ay ang pinakilala sa kanya ng pinsan niya.
"I'll do everything para pigilan ang kasal nila. I swear hinding- hindi ko papayagang maikasal sila ng babaeng iyon.!" Matigas at galit na sabi pa nito sa kausap sa cellphone bago pinatay ang call.
Mabilis ang galaw na sinundan niya ang dalaga na medyo pagewang-gewang na naglakad papunta sa gilid ng Dagat.
Agad akong napaisip, 'sabi ni Alodia kanina tahimik at naglalasing ang kaibigan niya na parang may mabigat problema, s**t!' usal ko sa sarili ko ng mapagtanto kong kaya siguro nag kakaganito ito kasi hindi niya matanggap na ikakasal ang Best friend nito sa ibang babae, at sigurado siyang may gusto ito sa mapapangasawa ni Alodia.
Agad akong nag isip ng gagawin para di mag tagumpay ang babaeng ito sa mga plano niyang pagpigil sa kasal ng dalawa. Kailangan ko siyang ilayo sa lugar na to.
"Kung may binabalak kang guluhin ang kasal ng pinsan ko hindi ka magtatagumpay".
Tiim bagang sabi ko saka mabilis na binuhat ang babaeng nagulat at nagsisigaw ngunit mabilis kong natakpan ang bibig nito.
Mabilis ko siyang isinakay sa Speedboat at pinasibad
"W-who the hell are you and what do you think your doing? Saan moko dadalhin?!"
Mataray na asik nito sakin na di ko naman pinansin at nagpatuloy lang sa pag maniobra ng speedboat palayo sa resort na pag-aari namin.
Tumayo ito ngunit bigla ring napaupo ng makaramdam ng hilo kaya mas pinili na lamang na umupo at mag masid sa madilim na karagatan habang papalayo sila sa lugar kung san sila ng galing.
"Will you please stop the boat!?"
"what are you planning to do.?"
Sunod-sunod na tanong nito.
"Sayang ang ganda mo kung desperada ka naman at handang manira ng relasyon ng ibang tao dahil lang sa pansarili mong interes!" Di napigilang sabi ko
"What ?! Anung pinagsasabi mo?" Asik ni Zee
" I heard everything you said. Kaya ilalayo kita hanggang sa matapos ang kasal nilang dalawa. Hindi kita hahayaang-"
Naputol Ang sinasabi ni Justine ng biglang may matigas na bagay na tumama sa kanyang tagiliran. Nakita nya ang cellphone nitong binato nito sa kanya na nasa paanan niya saka binalingan ang dalaga.
"Are you crazy?bakit anu ba ang narinig mo ?"
"You think hindi ko alam na may gusto ka sa Best friend mo? the way you look at him? Kaya hindi ko hahayaang sirain mo ang pinaka importanteng ganap sa buhay ng pinsan ko!"
Sagot naman ng binata dito na tinawanan naman ni Zee.
"The way i looked at him seriously? Blue is like a Brother to me, kasama ko siyang lumaki, kasama ko siyang nag aral, kasama ko siya sa kahit saan."Nakatawang sabi pa nito
"Yeah mahal ko siya bilang isang kapatid kaya-."
"And you think maniniwala ako sayo sa mga narinig ko?." Putol ko pa sa sasabihin nito.
"Anu ba kasi ang narinig mo at kailangan mo pa akong ilayo ng ganito? wala akong balak na masama sa kasal nila kaya itigil muna to ibalik mo- "
"Oh c'mon! At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hanggat di natatapos ang kasal nila hindi kita ibabalik dun." Putol ko sa sasabihin ni Zee na ikinalaki ng mga mata nito.
"At sa tingin mo hindi ako hahanapin ni Blue? Kaibigan ko din si Alodia at kung hindi dahil sakin hindi sila magtatagpo ni Blue,at hindi pa ako nasisiraan ng bait para sirain ang pagkakaibigan naming tatlo." Mahabang pahayag nito
Nakikita ko ang katapatan sa sinabi nito but no kailangan kong makasigurado hindi ko pa kilala ang babaeng ito para magpadala sa sinasabi nito, narinig ko ang sinabi nito kaya walang rason para pakawalan ko siya, ayoko kong masaktan ang pinsan ko na halos sa amin na nagdalaga nawalay lang ito sa amin nong pumunta ito ng Paris para mag aral ng Fashion Design.
"Whatever you were saying I won't believe you Narinig ko ang plano mo kaya di mo ako masisisi." Nakatingin kay Zee na sabi ko.
Masama tumgin sakin ang dalaga saka may sinabi sa mahina pero saktong maririnig ko lang.
"Pakialamero!." nakangusong sabi nito.
"What did you say?."
"Wala! Sabi ko ibalik mo na ako at wala akong balak gawin ang binibintang mo!." Asik nito
"Well Sorry to tell but NO." matigas ko ding sagot na ikinatahimik naman nito.
Makalipas ang ilang sandali ay itigil ni Justine ang speedboat sa gilid ng dalampasigan at binalingan si Zee na nakasandal sa gilid ng speedboat. Epekto marahil ng nainum nito kaya nakatulog. Binuhat niya ito at pumasok sa Rest House na nasa gitna ng isla. Dinala niya si Zee sa isang kwarto at ng mailapag niya ito sa malambot na kama ay tinignan nya ito. Nakatagilid si Zee paharap sa kanya kaya kitang-kita niya ang magandang mukha ng dalaga. Akmang tatanggalin niya ang buhok ng nakatabon sa mukha nito ng bigla itong magsalita habang naka pikit pa rin.
"N-no! You can't marry that wom- hmmm".
Naikuyom ko ang aking kamao sa narinig.
"Whatever the reason kung bakit gagawin mo ang pinaplano mo, isa lang ang sinisugurado ko na hindi ka magtatagumpay." Bulong ko dito na animo'y sasagot ito.
Ilang sandali pa niyang pinasadahan ng tingin ang mukha nito bago nagpasyang iwan na ito. Tumayo ako at nilisan ang kwarto ngunit bago tuluyang umalis ay ni lock ko muna ang kwartong pinag dalhan ko sa dalaga, saka tinungo ang isa pang kwarto at para magshower.
"Sir Justine."
Rinig kong tawag sakin mula sa labas ng kwarto habang may kumakatok. Agad kong binuksan ang pinto kung saan nakatayo ang taong akma pa sanang kakatok ulit.
"Matias."Sambit ko sa pangalan ng taong nasa harapan ko.
"Sir Justine may kailangan pa po ba kayo ng maihanda kona po bago ako bumalik sa kabilang Resort?." Tanong nito sa akin
"Gamitin mo yung Speedboat na dala ko at sunduin mo kami sa lunes ng Umaga, Matias." Utos ko sa tagapag alaga sa Rest House na pag aari ko na nasa maliit islang iyon.
"Ah Sige po Sir sasabihan kona lang si Linda na naandito kayo para mapuntahan kayo dito-."
"Wag na Matias at kaya kona dito kumpleto naman na ang mga Kailangan ko kaya ako na ang bahala. Basta balikan mo kami dito lunes ng Umaga." putol ko dito
"Oh siya sige po Sir at akoy mauuna na mag ingat po kayo dito." sabi pa nito na tinanguan ko naman bago ito tumalikod.
Ng makaalis si Matias ay nag pasya na akong mag pahinga na at ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong mag hapong babad sa Opisina.
KINABUKASAN:
ZEE's POV:
"Agh!." Sapo ang ulo kong masakit,ngunit agad ding napabangon nang marealize kong wala ako sa cottage na inuukupa ko sa Resort na pag mamay ari ng pamilya ni Alodia.
"Where am I?." tanong sa sarili ko at tumili ng malakas ng marealize ko na iba na ang suot kong damit.
"Aaaahhhhhhhhh!." at isa pang tili ng biglang pumasok ang lalaking nagising lang yata sa sigaw ko. Gulo-gulo pa ang buhok nito naka pajama at white t-shirt. Pamilyar sa kanya ang mukha nito pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita o nakilala o kilala nga ba niya? Litong tinitigan ko siya sa mukha.
"What Happened?" Humahangos na bungad nito
"You! anung ginawa mo sakin?" duro ko sa kanya na ikinataas ng kilay nito
"What? At anu naman ang gagawin ko sayo? Wala akong ginawa sayo, in fact nag magandang loob lang akong bihisan ka ng magsuka ka sa damit mo, nagkalat kapa dito."
"At bakit sino ba kasing may sabi sayong dalhin mo ako rito?." Sagot ko ng maalala ang nangyari ka gabi kung bakit nasa ibang kwarto ako at kasama ang lalaking nasa harap ko.
"Well, pinoprotektahan ko lang ang pinsan ko sa posibleng mangayari sa balak m-"
"At sa talaga namang yun talaga ang iniisip mo,. sinabi kona sayong wala akong balak guluhin ang kasal ng kaibigan ko. Kung pinakinggan mo ba naman ako bago ka gumawa ng hakbang na ganito edi sana wala tayo sa sitwasyong to! Edi sana hindi na ako nagkalat dito." Sagot ko
"Whatever! kung totoo man yang sinasabi mo hindi pa rin kita dapat ibalik doon dahil mali pa rin ang binabalak mong manggulo sa kasal ng kung sino man ang tinutukoy mo."
"It's my Dad's Wedding at hindi lang kung sino-sino kaya wala kang karapatan na pag sabihan ako ng tama o mali." Tinitigan niya ako at alam kong hindi pa rin kumbinsido sa sinabi ko. Yung titig na tipong sinusuri ako, ang titig na hindi ko matukoy kung anu ang ibig sabihin ,titig na hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko para akung kinilabutan.
"Kailangan kong makasigurado kaya hindi tayo babalik sa resort hangga't hindi nakakaalis ang mag asawa mamayang gabi papuntang palawan."
Sagot nito at akmang aalis na ito ng mapaharap ulit ng maramdaman nito sa likod ang unan na ibinato ko rito.
"What the! Bakit ang hilig mong mambato?" salubong ang kilay na tanong nito." Masyado kang sadista siguro kaya hindi ka nagustuhan ni Blue kasi ganyan ang ugali m-."
"Hindi ako sadista anu, alam mo kung anu-anu nalang yung mga pinagsasabi mo at bintang sa akin, samantalang ikaw nga kalalaking tao usesero na malisyoso pa at hindi ko inaasam na magustuhan aki ni Blue bilang babae kasi-"
"Hindi ako usesero at mas lalong hindi ako malisyoso."
"Anung hindi kung hindi ka malisyoso at usesero edi sana-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong nagdilim ang mukha nito.
"Oh see guilty ka na isa kang malisyoso at usesero-"
"Isa pang tawag sakin ng ganoon pagsisihan mo talaga na sinabi mo yun." Seryosong sabi nito na binaliwala ko lang
" Bakit ba totoo naman ah at bakit ko pag sisihan aber kung totoo namang ganun-" nanlaki ang mata ko ng humakbang ito palapit sa kama at umikot sa kinaroroonan ko. Madalim ang mukha nito na para bang handang manakal anumang sandali.
"Wait anung gagawin mo sakin wag mong sabihing papatayin mo ako dito?." hintakutang sabi ko ng mas lumapit pa ito sakin.
"Pag hindi kapa tumahimik hahalikan ko yang bibig mo nang matakpan! I'm warning you, call me that again, i swear paparusahan ko yang bibig mo." bulong nito sa tenga ko na ikinapanindig ng balahibo ko.Mabilis ang kamay na tumalukbong ako ng kumot.
"Kung nagugutom ka madaming stocks sa kusina suit yourself."sabi ni justine
'Narinig ba niya yung tunog ng tiyan ko?' usal ko sa isip ko.
"Mag shower lang ako."
"Di naman ako nagtanong." bulong kopa na narinig pala nito
"Ikaw din maligo kana nangangamoy suka kana, may mga damit diyan sa closet ikaw na bahala ng gagamitin mo." Pahabol pa nito at mabilis na umalis ng kwarto, agad ko naman inamoy yung sarili ko sa sinabi nito.
"Bwesit na yun! di naman ako amoy suka ah! wait baka may ginawa siya sakin baka naman may ginawa sakin ang siraulonh yun!." saka pinakiramdaman ang sarili at nagpasya ng tumayo para maligo na din dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko.
JUSTINE's POV:
Nangingiting naglakad ako pabalik sa kwarto ko pagka galing sa kwarto ni Zee, naalimpungatan ako sa sigaw nito kanina.
Dala ng pagka gulat agad akong napatakbo sa kwartong kinaroroonan nito sa pag aakalang may nangyari dito. Yun pala ay dahil lang sa nagtaka ito na iba na ang suot niyang damit.
Matutulog na sana ako ng sandaling nakahiga na ako sa kaman ko ng magpasya akong puntahan muna ang babae baka sakaling nagising ito at mag tangkang tatakas kaya para maka sigurado ay ay nag pasya na akong e check kung magigising pa ba ito o malalim na ang tulog.
Pagka pasok ko palang nakita ko itong nag susuka sa gilid ng kama kaya agad ko itong nilapitan ng makita kong nasukahan nito ang damit nito ngunit bumalik lang sa paghiga.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo nito saka pinasandal sa headboard ng kama,puro inumin lang naman ang isinuka nito kaya tanya ko hindi ito kumain at nag iinum lang. Nagdalawang isip pa ako kung bibihisan ko ba siya o hindi na,pero basa kasi ang damit nito pati na ang laylayan.
"Tsk! bahala na nga nag mamagandang loob lang naman ako." sabi ko pa habang dahan-dahang ibinaba ang strap ng suot nitong dress. saka tinakpan ng kumot ang katawan nito bago kumuha ng damit s closet. Hindi nama ako nahirapan kasi madami namang damit ng pambabae sa kwarto na yun.
Binalikan ko siya matapos makuha ang pantulog na bestida. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng, tumambad sa mga mata ko ang katawan ni Zee naka bra nalang kasi ito at natanggal ang kumot na tinakip ko sa katawan nito.
Hindi ko naman first time makakita ng ganung tanawin pero di ko mawari ang dating ng tanawing naka tambad sa harap ko. Ipinilig ko ang ulo ko saka lumapit dito at sa nanginginig ang kamay na isinuot na ang bestida dito. Ng matapos diko alam kung bakit pawis na pawis ako eh naka aircon naman ang kwarto kaya inayos ko ang pagkakahiga ng dalaga at mabilis na pinunasan ang sahig at isa pang sulyap sa natutulog bago nilisan ang kwarto.
"Tsss ako na nga ang nag magandang loob na bihisan siya pagkatapos niyang magkalat tapos sasabihan pa akong Usesero at Malisyoso." Napapa-ilinh na sabi ko matapos maalala ang nangyari kagabi.
Mabilis akong naligo at nag bihis saka lumabas ng kwarto para pumunta sana sa kusina para magluto dahil nagugutom na ako at alas 12 na pala ng tanghali,ng madaanan kong bukas ang pinto ng kwartong inuukupa ni Zee.
Sumilip ako pero wala ng tao sa loob at maayos na din ang higaan, bukas din ang pintuan ng shower kaya inisip ko na baka nasa kusina na ito.
Ngunit walang Zee na naroon sa kusina, kaya nagmamadaling napatakbo ako sa labas ng makitang bukas ang maindoor.
ZEE's POV:
Kanina pa ako naglilibot sa lugar nato pero puro buhangin lang at mga puno sa paligid ang nakikita ko the rest is dagat na.
Matapos kong maligo, nagtapis lang ako ng tuwalya sa katawan at lumabas ng CR ng maalala ang cellphone ko. Sinubukan kong buksan ang drawer sa side table ng kama at hindi naman ako nabigong makita yun.
"Thanks! buti naman at hindi tinago ng mokong na yun yung phone ko. Akala mo naman kung sinong matalino yun pala hindi naman." nasisiyahang sabi ko saka ini-on ang phone ko at ipinatong ulit sa table at lumapit sa closet na sinabi ni Justine para kumuha ng damit.
"Ohmy!." Tutop ang bibig ng tumambad sa mga mata ko ang closet na puno ng damit pambabae lahat. At sa unang tingin alam kong mamahalin ang mga nakalagay doon.
"Kaninong room kaya to?."
"Ahhh baka sa kapatid niya or pinsan." Sagot ko din sa sarili kong tanong saka pumili ng pweding maisuot ko. Isang T-shirt at short ang napili ko at isinuot na din, medyo malaki sakin yung T-shirt pero okay na din.
Nang matapos mag bihis binalikan ko ang phone ko, napakunot ang noo ko ng makitang walang signal, kaya nag pasya akong lumabas ng kwarto pero wala pa din signal sa loob ng bahay kaya nag pasya na akong lumabas.
'Saang lumalop ba ng mundo ako dinala ng sira ulong lalaking iyon.'
Bitbit ko ang cellphone na inangat-angat ko sa pag baka sakaling makasagap ng signal ngunit wala talaga. Naiinis na nag hanap ako ng bangka sa gilid ng dalampasigan at baka may mapadaang mangingisda.
"Kailangan kong makaalis dito, magtataka si Blue at Alodia bakit wala ako mamaya sa wedding nila. Sana naman mapansin nilang wala ako sa Resort." Usal ko habang naglakad pa sa gilid ng dalampasigan ng mapansin kong may maliit na bangka medyo malayo sa kinaroroonan ko.
"Help! Help me! Kuya tulungan nyo po ako please!." Walang sinayang na sandali na pagsisigaw ko kasabay ng pag talon-talon at pag kaway-kaway ng mga kamay ko.
Ng biglang maramdaman ko ang pag takip ng isang kamay sa bibig ko at ang isa pang kamay ay hinuli ang mga kamay ko.
"Anu sa tingin mo ang ginagawa mo ha?." Madilim ang mukhang tanong ni Justine.
"Ouch!" natanggal nito sa bibig ko ang palad ng kinagat ko ito. At matalim na tiningnan ito.
"Nasaan tayo ha? saan mo ako dinala? bakit wala man lang signal dito? Anung balak mo sakinha?." Matapang at sunod-sunod kong tanong dito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka makakaalis sa lugar nato hanggat hindi nakakaalis ang mag asawa? At sa tingin mo ba tanga ako para iwanan lang ang cellphone mo ng ganun lang ka simple?." Matigas na sagot nito
"Ibalik mona ako sa Resort! at sigurado akong hinahanap na nila ako!."
"At sa tingin mo hahanapin ka nila kung alam nila ay lasing na lasing ka? At sa sobrang busy nila mapapansin pa kaya nilang wala ka doon eh wala ka namang katungkulan sa kasal nila kundi bisita lang na may balak manggulo?." Nanunukat na tingin ang ipinukol nito sakin.
Totoo nga naman panu nila mapapansin na wala ako kung busy na sila sa preparation. Lalo pa at dadalo ang mga kasamahan ng mga ito galing sa Paris.
Nanlulumong, umupo ako sa buhangin ng mapansing wala na din ang bangkang nakita ko kanina sa dalampasigan.
"Bakit ba kasi kailangan mo akong ilayo? sinabi ko nang hindi ako manggugulo diba?." walang lakas na tanong ko dito
"Kahit anung gawin mo hindi ka makakaalis dito dahil malayo na ito ea resort, private island ito kaya kung hindi ko sasabihin na sunduin ako rito walang maglalakas loob na pumunta dito dahil pag aari ko ang isla nato."
Tiningala ko ito at alam kong seryoso ito sa sinabi na kahit planuhin ko pang languyin ang dagat hindi ako makakaalis sa lugar nato.
Walang lakas na tumayo na ako at bumalik sa Rest house.
JUSTINE's POV:
Napapabuntong hiningang sinundan ko si Zee sa paglalakad pabalik sa bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakonsensya ng makita kong nangilid ang luha nito, pero agad ding binawi saka mabalis na tumalikod pagkatayo.
'Pero what if nagsasabi ito ng totoo? or baka naman paraan niya lang para maawa ako sa kanya at ibalik siya sa Resort at ituloy ang balak na pag pigil sa kasal ng dalawa.' Sa isip ko habang nakasunod pa din sa dalagang naka pasok na sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa kusina at nag hanap ng pweding lutuin para sa pananghalian. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pag kalam ng sikmura ko ng bigla akong kinabahan ng matantong lumabas si Zee at nagplanong tumakas. Alam kong nasa daungan lang sa likod na parte ng mangroves nakatago ang bangka ni Matias dahil Speed boat ang ipinadala ko dito kagabi.
Kaya sandaling naisantabi ang pag ka gutom ko sa pag mamadaling maabutan si Zee sa dalampasigan. Na nakita ko nga na nag sisigaw at kumukaway sa bangkang napadpad malapit sa isla. Mabuti balang at mabilis akong nakalapit dito ng hindi namamalayan ng isa.
Kumuha ako ng 4 na itlog sa egg tray at 4 na wheat bread, balak kong gumawa ng sandwich sa aming dala ng maisip ko na kung kakainin ba nito o hindi o tatanungin ko ba kung anung pagkain ang gusto niyang kainin.
"Ah bahala na gagawan ko na lang siya ng sandwich." Sa huli ay pasya ko.
Natapos ako sa paggwa ng sandwich ng hindi pa din lumalabas ang dalaga sa kwarto nito, kaya nagpasya na akong katukin.
"Gumawa ako ng sandwich." Sabi ko pagkatapos kong kumatok sa pinto, nag antay akong buksan nito ang pinto pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa din nito binubuksan.
Pinihit ko ang door knob pero naka lock sa loob.
"Hey! Kung Nag decide ka na magpapakamatay wag dito sa Rest house ko ha!. Makakahanap ka din ng para sayo ibalato mona sa pinsan ko ang best friend mo-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at isinara din ng malakas, halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasara nito sa pinto kung saan ako nakatayo.
"awww!" tanging nasabi ko.
Muling bumukas ang pinto at sumungaw dun si Zee
"Kumain ka mag isa mo! pag nakaalis lang ako rito make sure na hindi na tayo mag kikita kasi pag nakita kita hindi ko alam kong anung magagawa ko sayong siraulo ka!." Bulyaw nito sakin na namumula ang mukha, saka muling nagsara ng pinto.
"Bahala ka kong ayaw mong kumain ikaw naman ang magugutom at hindi ako." sabi ko at umalis na sa harap ng kwarto nito.
Muli akong bumalik sa kusina para kainin ang sandwich at ng matapos ay inayos ko lang ang sandwich na isa pa sa lagayan saka iniwan lang sa lamesa. At pumasok na ako sa kwarto.
ZEE's POV:
'huh! akala mo kung sinong magaling! bat naman ako magpapakamatay, ni hindi kopa nga naranasang mahalikan magpapakamatay na ako siarulo ka.'nag ngingitngit ang loob na usal ko sa isip ko.
Nakahiga ako sa kama ng mulang marinig ang tunog ng tiyan ko.
'Gosh di ako sanay na di kumain ng lunch.'
Pinakiramdaman ko muna ang paligid saka bumangon at sumilip sa pinto kung nasa kusina pa ba ang mokong na yon.
Nakahinga ako ng maluwag ng ma confirm ko na wala na nga siya sa kusina kaya nagpasya na akong lumabas, balak ko sanang magluto ng gulay kung may gulay pero napadako ang tingin ko sa safety box ba naka patong sa mesa. Yung Sandwich ang laman nun.
Lumingon muna ako sa paligid bago nilapitan ang sandwich at kinuha sa lalagyan at kinain. Naka dalawang kagat palang ako ng may magsalita
"How was it? Does it taste good?" dahilan para ma choke ako sa gulat.
Natatarantang lumapit ako sa ref pero nakailang hakbang palang ako ay may nauna nang bumukas ng ref at kumuha ng isang bottle ng tubig, binuksan muna ni Justine bago ibigay sakin.
Dina nagdalawang isip na tinanggap ko iyon at nilagok ng mabilis.
Ng maginhawaan ay tinignan ko ito ng masama
"Balak mo bang patayin ako?"
"Im Sorry I didn't mean to surprise you, I was just about to get some ingredients for the barbeque when I saw you biting the Sandwich." Mahinang usal nito na parang na guilt sa nangyari sakin.
Napapakamot naman sa ulo si Justine na lumapit sa lagayan ng mga ingredients. Nakahiga kasi ito ng maisipang mag handa nag uulamin mamayang dinner kaya muling bumangon at lumabas ng kwarto at tinungo ang dirty kitchen sa labas nandun kasi naka lagay ang freezer at doon din nag iihaw-ihaw.