ANICA’S POV Natapos ang trabaho ko at gabi na ng makauwi sa bahay. Subalit hindi gaya noon na payapang nagluluto si mama ng hapunan. si papa naman ay nanonood ng TV at naglalaro ang maliliit kong kapatid, ang naabutan ko sa aming bahay ay puno ng kaguluhang mga gamit namin sa sala. Si Mama ay umiiyak kaharap si Papa sa upuan ng sala. Wala roon ang dalawa kong nakababatang kapatid kundi nakasilip mula sa loob ng kanilang kwarto. Puno ng pagtataka akong lumapit sa mga magulang ko. “Ma? Pa? Anong nangyari sa inyo? Lumindol ba o bumagyo at sa bahay lang natin tumama?” Napatingala sa akin si Mama na may namumulang mga mata. “Anak… huhu! Itong Papa mo umutang pala ng malaking halaga ng pera sa loan shark nang hindi sinasabi sa atin! Ngayon na hindi niya kayang bayaran ay sinugod na tayo ng m

