:)
Hindi na mapula ang kaniyang mata ngunit malamlam naman ito. Bumalik na rin sa dating normal na kulay ang kaniyang pisngi at ilong na kung titingnan mo siya ngayon ay hindi mo siya aakalaing umiyak nang matagal kanina.
Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang baba tsaka tumaas ang kaniyang kamay sa aking leeg para sa isang yakap.
"Salamat, Matt. You're the best boy best friend ever."
I smiled and tapped the back of her shoulder.
"Salamat sa paghatid." Aniya tsaka kumawala sa pagkakayakap sa akin. Inalis niya ang kaniyang seatbelt at binuksan ang pinto ng aking kotse para makalabas.
Nang tuluyan siyang makapasok ng kanilang bahay ay pinaandar ko nang muli ang makina ng aking sasakyan tsaka nagmaneho pauwi.
Madilim na ang buong paligid nang makauwi ako. Pinark ko sa garahe ang aking kotse tsaka naglakad papasok ng bahay.
Nasa b****a na ako ng pintuan nang mapansin ko ang pagbukas ng pinto nang kabilang bahay.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan para hintayin ang pagpalabas ng kung sino buhat roon.
Hindi gaya ng tipikal na pader ang namamagitang pader buhat sa bahay namin at sa katabing mga bahay kaya kitang kitang mula sa aking kinatatayuan ang kabilang kapaligiran.
Nakita kong lumabas sa pintuan si Norlan kasama ang isang pamilyar na babae. Naningkit ang mga mata ko nang mapagsino ang kaniyang kasama. Kung hindi ako nagkakamali ay si Summer iyon. Ang Nursing student na pinagseselosan ni Rain nang sobra.
Hindi ko ugali ang makiusyoso sa kung anong ginagawa ng ibang tao especially to that asshole since I know that I'm just gonna waste my precious time with him. But this time is different.
I wonder why he has time entertaining other girl while he has no time asking how Rain is doing.
Kahit simpleng kamusta lamang sana mula sa kaniya. Halos mamugto na ang mata ng kaibigan ko kakaiyak tapos madadatnan kong ganito?
Biglang uminit ang ulo ko nang mapansin ang paghaplos ni Norlan sa beywang ni Summer.
Like, what the f**k?
"Hey, Kuya!" Star, my sixteen year old sister surprisingly greeted me when she saw me standing in front of the doorway.
"Bakit 'di ka pa pumapasok sa loob? Sinong tinitingnan mo?" Taka niyang tanong.
Lumipat ang tingin ng aking kapatid sa direksiyon nang aking tinitingnan at siya ay napasinghap sa nakita.
"Si Kuya Norlan 'yon, ah. Sino 'yung kayakap niya?" Kuryoso niyang sambit.
At bago ko pa masagot ang kaniyang tanong ay siya namang pagkuyom ng aking kamay dahil sa nasilayan buhat sa kabilang bahay.
Norlan kisses Summer on the lips!
Marahas kong ibinagsak ang aking duffel bag at tinakbo ang distansiya papuntang kabilang bahay.
"Hey, Kuya Matt! Anong gagawin mo?" Si Star sa nagpapanic na boses.
Nang makalapit sa kanilang dalawa ay mabilis kong hinigit sa collar si Norlan dahilan para sabay silang mapamura ni Summer.
"What the-" hindi ko na hinintay pang makapagsalita si Norlan.
I gripped my fist and punched him hard straight on his face. Narinig ko ang pagsinghap ni Summer hindi kalayuan dahil sa aking ginawa.
Sumubsob si Norlan sa semento at linapitan ko pa siya para sa marami pang suntok.
I punched him hard again for the second time. The side of his lips bleed.
"That's for making Rain's cry." I said after the second punch.
I punched him again for the third time. "That's for being stupid and an asshole at the same time."
"f**k!" He cursed, then grabbed my shoulder violently. I thought he didn't have enough strength to fight back, but I was wrong. In just a split second, he was the one holding my collar and punching my face hard.
I blocked some of his punches pero may dalawang suntok siyang tumama sa aking pisngi at labi. Hindi kami nagkakalayo ng lakas pero kung usapang katawan ay mas malaki siya kumpara sa akin. Nagagawa kong harangan ang kaniyang binibigay na mga suntok.
And when he stopped for a while to spit some blood, I took that as an opportunity to push him aggressively.
Kumawala siya sa akin kaya napatayo ako at ganoon din siya. Lumapit ulit ako sa kaniya at tangka siyang susuntukin muli nang nakadipang humarang si Summer.
"Stop it!" She shouted at my face.
I angrily gazed at her. Hitting a girl is definitely not my thing.
"Hey, Kuya Matt. Calm down!" Si Star na yumakap sa akin kaya napatigil ako sa pagsugod.
"What is wrong with you, asshole?" Norlan is pointing his finger at me, and I'm just thinking about how to freaking break it in situations like this.
"Hey, Kuya!" Cloud, who happens to be Norlan's younger brother and has just arrived from the school, holds his brother's arm to stop coming near me.
"Stop holding him Cloud so I can beat the s**t out of him." I said furious while pushing my hair backwards.