JUAN's P O V " Wow! Ganda ng cellphone mo, Kuya Juan! Mayaman ka, 'no!? " bulalas na wika ni Analyn nang tulungan niya akong gumawa ng social media account. " Hindi ah! Bago lang ang casing, tingnan mo! " mariing tanggi ko naman, " Ang tagal na kaya niyan! " dugtong ko pang wika Mabuti na lamang at free pa rin ako sa internet connection dahil nga dadalawa lang naman sila Analyn at Ate Carmen na naka- connect sa monthly bill ng Byuda naming amo. Para raw masulit na rin ang ibinabayad niya. " Sus! Kunwari ka pa! Kahit hindi ito ang latest e mahal ito noon! " wika pa niya na tiwanan ko na lamang at hindi na sumagot " Okay na 'to! Sino- sino ang mga i- a- add friends mo? " tanong niya pagkatapos tanungin ang ibang personal na pagkaka kilanlan " Ikaw tsaka si Ate Carmen." tugon ko naman

