Chapter 44

1726 Words

“Iszla… I’m here for you…” malambing na sabi ni Kyren paglabas ko palang ng gate. Binuksan na niya ang pinto ng front seat ng kanyang sasakyan. Nagpaalam ako kay Jeo, pero bago ako makalapit kay Kyren, hinila niya ako at biglang niyakap. Wala naman itong malisya sa akin kaya niyakap ko rin siya. Nang maghiwalay kami, mabilis akong lumakad papunta sa aking sundo at sumakay na ako. Nang maisara niya ang pinto, sumakay na rin siya. He drove away fast, kaya napakapit ako ng mahigpit sa aking seatbelt. “You know… Hindi mo naman na ako kailangan na sunduin. Naabala lang kita, eh. Kaya ko naman na umuwi na mag-isa.” sabi ko sa kanya. Napansin ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Nararamdaman ko ang tension sa paligid namin, at hindi ko alam kung bakit nafi-feel ko na parang galit siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD