Tulak ang isang malaking cart, tiningnan ko ang aking listahan ng bibilhin kong groceries. Konti na lang kasi ang laman ng pantry at wala na rin kaming kakainin. Hindi ko naman akalain na malakas palang kumain ang tatlong lalake na kasama ko sa bahay. Hindi ko sila madalas na makita dahil na rin sa kani-kanilang trabaho. Jesiah is really busy sa kanyang work since he’s one of the best surgeon in the country. Samantalang si Kyren ay busy rin sa pagma-manage ng kanyang bar. Nakikita ko lang siya pag gabi, pag papunta na siya sa kanyang trabaho. Callen i sthe same, nasa office lang niya writing his book o kaya naman natutulog lang sa kanyang kwarto na naver na kong pumasok pa. Needless to say, nasasanay na ako na nakikita silang tatlo lalo na pag nasa bahay silang lahat at sabay-sabay kamin

