BANDANG alas tres ng hapon, naglalaro ang sinag ng araw sa malawak na rancho. Medyo mainit pa, pero nagsisimula nang lumambot ang liwanag ‘yong tipong ginagawang ginto ang balat ng mga kabayo at naglalaro sa hangin ang mga alikabok. Napakunot ang noo ni Lander. “Ang init pa saan na naman ‘to pupunta?” bulong niya sa sarili habang sinundan si Shiela. Pinatakbo niya ang sariling kabayo, at ilang sandali lang ay naghalo sa paligid nila ang amoy ng lupa, alikabok, at tamis ng mga tubo. Pumapalo na sa hangin ang mga dahon, tila sumasabay sa bugso ng galit at inis na nararamdaman niya hindi lang kay April, kundi pati sa sarili. Sa dulo ng plantasyon ay may batis malinis at malamig ang tubig na dumadaloy mula sa bundok. Doon huminto si Shiela. Bumaba ito sa kabayo at marahang hinaplos ang le

