Kitang-kita niya kung paano humagolhol nang iyak si Lander habang nakalapat ang noo nito sa lapida ng asawa. Kung iyak lang ay maiintindihan pa niya, pero ‘yong hagulhol nito at paulit-ulit na sinasambit ang katagang “honey” ay parang mga punyal na tumarak sa dibdib niya. Hindi niya alam kung aalis ba siya o lalapit. Hawak-hawak pa rin niya ang bulaklak—‘yong maingat niyang inayos kanina, ngayon parang biglang nabigatan sa kamay niya. Para bang ang bawat talulot ay biglang naging paalala kung saan talaga nakatali ang puso ng lalaking iniibig niya. Tinapon niya ang bulaklak niyang hawak at umatras na lang siya at bumalik sa rancho. “Señorita nakita n’yo na ba si sir Lander?” salubong sa kanya ng kasambahay. Hindi niya ito pinansin at pumasok siya sa kuwarto at dumapa sa kama. Umiya

