PAGKATAPOS ng ilang oras ng rounds, balik na si Dr. Lander Fuentebella sa opisina niya. Hindi man siya masyado napagod dahil kakaunti lang ang pasyente. Ganito talaga kapag private tas sa probisnya ka mas marami pa rin sa government. Inayos lang niya ang stethoscope sa leeg at saka sinipat ang relo. Tanghali na. Finally, lunch break. Kinuha na niya sana ang wallet niya nang biglang bumukas ang pinto. “Doc, may delivery po sa inyo,” sabi ng guard. Kumunot ang noo ni Lander. “For me?” “Opo, Doc. Sabi, para raw kay Dr. Fuentebella. Iniabot lang po ito ng driver ninyo.” Inabot ng guard ang isang paper bag na maayos ang pagkakabalot. “Driver ko?” mahinang ulit ni Lander, halatang nagtataka. Dahil wala naman siyang driver. “May note daw po sa loob,” sabi pa ng guard. Nagpasalamat si La

