“Ba't mo kasi ginawa kay Sabrina ‘yon?” “Sabrina pala pangalan no’n?” Walang kagana-gana kong sabi. “Kala ko kasi, malandi, e...” Tinagilid ko ang ulo at ibinulong lang ang huling sinabi. Natapos na ang P.E class namin. Ngayon ay klase na namin kay Mrs. Tasoy. Nagkagulo kanina sa gym dahil natamaan ko ng bola ‘yong babaeng kaharutan ni Xander. Dinala siya sa clinic ng kanyang mga kaibigan. Wala namang dugo pero may bukol siya sa noo. Iyak pa nga ng iyak habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Ang pangit na rawaw niya. And I was like, duh? Kailan pa siya naging maganda? Tyaka hindi ko naman sinasadyang matatamaan ko siya, totoo ‘yon! Kaya hindi rin ako mag-so-sorry. Ngayon ay panay ang pangaral sa akin ni Florence. “Baka parusahan ka na nman ni Mrs. Tasoy!” Tamad akong pumikit

