"Anong ginagawa natin dito?" Naupo ako sa malambot na kama at mataman syang tinignan. Tinagilid ko ang ulo ko. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na ba iyang natanong mula pag dating namin dito. Nakaramdam ako ng kaba and at the same time, excitement? Hindi naman nya ako dadalhin sa five star hotel na ito kung wala syang balak sa'kin. Pero pwede namang sa bahay kami mag-tungo. Bakit kailangan dito pa? "Mauna ka ng mag shower. Sunod ako." Aniya. Napalunok ako. May balak nga sya. Susunod daw sa'kin? Habang naliligo ako doon? Uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin. Mahina syang tumawa. Mas lalo namang namula ang pisngi ko. Tama ang iniisip ko kung ganoon? "I'll come after you ofcourse." Nang umupo rin sya sa kama ay agad akong tumayo. "I don't have-" "I bought you clothes while

