Gusto kong sabihin na hindi totoo ‘yon. Na kailan man ay walang lalaking nakakita at humawak ng katawan ko. Siya lang. At nakakasukang ‘yon ang katotohanan. Na siya lang talaga. Pero ano ngayon kung iyon nga ang iniisip niya? Ayos lang. Noon pa man ay madalas na niya akong paratangan ng ganyan. Hindi ko na siya pinatulan ng salita. Nanahimik na din siya. Pero ang madilim niyang ekspresyon ay bakas pa rin sa kaniyang mukha. Nag-salita lamang siya nong pinatigil niya ang kaniyang mga ka team mates sa pag iinsayo. Agad nag jog ang mga ito papunta sa bleachers kung saan naroon ang kanilang mga bag. Yung isa ay nasulyapan ang mop at timba na tinabi ko muna kanina sa may gilid, malapit sa kinauupuan ko. “Ano ‘yan? Mag lilinis ka?” Pagod akong bumuntong hininga bilang sagot. “Ang laki nito!”

