Abducted 03
Nakatulala akong nakaupo sa hapagkainan. Inaasikaso ako ni Ate Myla, ang kasambahay at care taker dito sa bahay noong nakay Tita Sena ako.
"Ma'am, busog po ba kayo?"
Bakas ang pagtataka sa mukha niya nang malingunan ko. Nakatingin siya sa pagkaing nasa pinggan, nasa harapan ko ngunit hindi ko na ginalaw at tulalang pinaglalaruan ko na lang.
"Ah… Oo, Ate. Marami kasi akong nakain kagabi kaya busog pa ako."
Pagsisinungaling ko dahil wala akong gana na kumain. Naaalala ko ang nangyari kagabi. Masyadong pang sariwa kung paano nawala ang p********e ko.
"Parang ang tamlay n’yo, ma'am. Gusto n’yo bang sumama na lumabas? Bibili lang ako sa supermarket ng mga ibang kakailanganin dito sa bahay. Titingin din ako ng mga sariwang laman at gulay sa bayan."
Wala akong emosyon na nakikinig sa sinasabi niya. Parang hindi ko maproseso dahil iba ang laman ng utak ko kahit nakatingin ako sa kaniya. Napansin niya ang pagkatulala ko, kaya umupo siya sa upuan na katabi ko.
"May problema po ba kayo? Puwede niyo po akong kausapin kapag may mga gusto kayong sabihin o kailangan gawin."
Fifteen years yata ang tanda sa akin ni Ate Myla. Para ko na rin siyang Ate dahil siya lang din naman ang kakilala ko ngayon dito.
Sixteen years old ako nang kunin ako ni Tita patungo sa States. Disiotso anyos naman ako nang mangyari ang trahedya sa pamilya namin. Dinala ang mga abo nila sa States, doon ko lang nalaman ang nangyari pagkaabot sa akin ng mga abo nila.
Hindi ko matanggap noong una kaya binalak ko sanang umuwi para makita sila dahil ayoko pumayag na abo nila ang dinala sa amin. Pero pinigilan ako ni Tita dahil nang mga panahon na ‘yon ay hinahanap nila ang buong angkan ni papa kasama na ako.
Alam nila na mayroon isa pang anak na babae si Papa pero wala silang alam kung nasaan ako. Pribado din ang pamilya ni Tita kaya hindi siya kilala bilang nakababatang kapatid ni Mama. Limang taon na ang nakalipas bago ako bumalik sa pilipinas, at sa limang araw na pananatili ko dito ay nangyari agad ang nangyari kagabi.
Nagbalik ang tanaw ko kay Ate Myla dahil sa paghagod niya sa likod ko.
"Nami-miss mo ba ang pamilya mo?"
Ngumiti lang ako at tumayo, gusto ko magsumbong pero natatakot ako na balikan niya ako kung makakarating sa kaniya na nagsumbong ako. Hindi ako pinatay dahil ang kapalit ng pagmamakaawa ko na mabuhay ay ang puri ko. Ngayon na nakuha na niya iyon, sa susunod na puntahan niya ako, natatakot ako na buhay ko na ang kunin niya.
"Magpapalit lang ako ng damit. Sasama ako sa ‘yo sa labas."
"Sige po. Hihintayin ko kayo sa sala."
Dahan dahan akong umakyat sa mataas na hagdan dahil ramdam ko pa rin ang sakit sa pagitan ng mga hita ko sa bawat hakbang. Pagkapasok ko sa kuwarto'y bumungad sa akin ang kama na mayroon tuyong pula at puting likido. Pumikit ako nang mariin at sumandal sa pintuan ng kuwarto. Pinigilan ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata dahil sa biglaan na naman na pandidiri sa sarili ko.
Hindi ko naisara nang maayos ang pintuan ng balcony ko kaya siya nakapasok. Kaya ang madalas kong gawin sa umaga na magkape at magpahangin sa balkonahe ay hindi ko na ginagawa. Nakasarado na lang ang pinto nito mula pagkagising ko hanggang ngayon, at wala na akong balak na buksan pa iyon. Balak ko din bumili ng panibago na lock upang ma-doble ang pagkasara at bumili ng makapal na kurtina para itabing sa manipis na kurtina ng sliding door nito.
Huminga ako nang malalim at kinuha ang sapin ng kama na mayroon mantsa ng nangyari kahapon. Kinuha ko ang unan para palitan ng punda. Naamoy ko ang matapang na panlalaking amoy sa unan ko. Mukhang kumapit galing sa pabango ng lalaking nagpunta rito kagabi. Kinuha ko ang buong unan na may amoy ng lalaki at itinapon sa basurahan. Nag-spray ako ng pabango ko sa buong kuwarto para mawala nang tuluyan ang panlalaking amoy niya.
Habang nakaharap sa vanity mirror ay marahan ang paraan ng paghubad ko ng damit. Napatitig ako sa ilang mga pasa sa aking dibdib, braso, at baywang. Mayroon din sa aking mga singit at hita. Ang mga pasa sa aking katawan ay nagmistulang mantsa sa maputi kong balat. Pumikit ako at lumunok, pinigilang papasukin sa isip na sana’y nagpabaril na lang ako. Alam ko na isa sa mga magulang ko, kahit nasa bingit ng kamatayan iniisip na mabuti hindi nila ako kasama at nakay Tita ako, na mawala man sila’y may isang matitira sa amin, so as they thought while on the verge of death, I should be thankful that I'm still alive.
I sighed and opened my eyes. I ignored my bruises and put on a long sleeve dress. Ni hindi ako makapag-pants dahil masakit ang ibabang katawan. Iniwasan kong sulyapan ang sarili sa salamin at bumaba na tanging telepono at pitaka ang dala. Napatayo si Ate Myla at sinalubong ako para sabay kaming lumabas nang sala. Sinigurado ko muna na ang lahat ng pinto at bintana ay naka-secured bago ako sumunod palabas.
Nag-taxi lang kami papunta sa mall dahil wala pa naman akong sariling sasakyan. Hindi ko alam kung bibili ako pagkatapos ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako nakakapag-desisyon kung aalis ba o mananatili. Maraming tanong. Babalik ba siya o hindi na dahil nakuha na ang kailangan niya? Aalis ba ako at isusuko na ang plano sa bahay? Ano ang tatalikuran ko? Ang ala-ala ng isang masamang gabi o ang ala-ala mula nang isilang ako kasama ang mga magulang at kapatid?
if I stay, I have to forget the first one. And if I leave, I must forget the latter.
Nilibang ko ang sarili ko sa mga pinamimili para hindi masyadong mag-isip. Tulak ni Ate Myla ang cart habang ako ang kumukuha ng mga kailangan bilhin. Pagkadampot ko sa isang fresh milk ay nilingon ko si Ate Myla sa aking likuran na nakasunod sa akin habang namimili, pero wala siya. Pinasadahan ko ng mata ang buong lugar para hanapin siya't sinilip ang bawat section ng supermarket. Natanaw ko siya sa mga toiletries.
“Ate—” Tawag ko at lalapit na sana ako kung hindi ko lang nabitawan ang dala ko na fresh milk dahilan ng nakasalubong kong lalaki na natabig ang aking kamay.
Yumuko ito at dinampot ang nabitawan ko. Tumayo siya nang tuwid at inabot sa akin ang gatas. Ngumiti ako ng maliit at handa nang humingi ng paumanhin subalit naglakad na siya palayo bago pa ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa malapad niyang likod at nakapamulsa na dalawang kamay. Bahagya siyang lumingon sa puwesto ko bago lumiko at matakpan ng mga item ng supermarket.
Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin, tinitigan nang mabuti ang hawak na gatas. Napasinghap ako nang maalala na naka-hood ang lalaking na bumangga sa akin. Magkasing-tangkad din sila at ngayon lang natanto na pareho ang panlalaki nitong amoy sa amoy ng pabangong naiwan sa aking kuwarto.
Nanginginig kong nabitawan ang gatas na hawak ko. Tumakbo ako papunta kay Ate Myla at hinila na siya paalis. Nagtataka man ay mabilis na siyang nagbayad para makaalis na kami. Hindi na siya natuloy mamili sa bayan dahil hindi ko siya pinaalis. Ayoko nang mag-isa sa bahay, natatakot ako na muling balikan ako ng lalaki. Pagkapasok ko sa aking kuwarto ay agad kong tinawagan si Tita.
"Tita!" Kasabay ng sigaw ay bumuhos ang luha ko. Ang aking mga kamay at buong katawan ay nanginginig sa pangamba at takot.
"Oh my god, Seraphina!? Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Nagpa-panic na ang boses ni Tita dahil sa pag-iyak ko. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at sabihin na dapat nakinig ako sa kaniya na huwag nang bumalik pa dito at nagtago na lang kung nasaan siya.
"Tita…” Hindi ko napahinto ang malakas na hikbi. “Tita, gusto ko nang umuwi…"
Napaupo ako sa sahig at walang tigil ang pag-iyak.
"Ano ba ang nangyari? May nagtangka sa ‘yo? Sabihin mo sa akin, Phina!"
Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ko maaaring sabihin kay Tita. Kapag nalaman niya, alam ko na hindi siya papayag na hindi pagbayarin kung sino ang gumawa niyon sa akin at sigurado ako na pupunta siya dito kahit pa siya ang nangunguna na pigilan ako noon. Hanggang ngayon may mga gusto pa ring pumatay sa akin—sa amin. Mapapahamak siya. Mapapahamak kaming dalawa.
"Gusto ko lang umuwi, Tita. Ayoko dito sa bahay…naaalala ko lang sila..."
It’s true that I miss the presence of our whole family at home, pero hindi iyon ang dahilan kaya gusto ko na umuwi. Natatakot ako. Natatakot ako na kahit nakuha niya ang gusto, bumalik siya at maulit ang nangyari kagabi. At maaari rin na papatayin niya na ako nang tuluyan. He's at the supermarket and that just means he's following me and might be outside watching the house right now.
“My god, Phina. I thought something happened.”
Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Tita sa kabilang linya. Pinilit ko muling pigilan ang panginginig ng boses at pakalmahin ang sarili.
“Wala po…but I want to go home, Tita. Please…I want to go back…”
"Yes, Seraphina, uuwi ka na. Tatawag ako sa ‘yo bukas para makabalik ka na rito. Huwag ka nang umiyak, hija. Makakauwi ka rito, bukas na bukas."
Tumango ako at nagtakip ng mga labi para hindi lumabas ang paghikbi. Pagkababa ko sa tawag, doon pa lang ako humagulgol sa takot at hinayaang bumalik ang panginginig sa buong katawan habang nasa isang gilid at nakaupo.