Abducted 36 Nakatulog ako nang mapagod umiyak. Ang gumising sa akin ay mahihinang kaluskos at maingat na bulungan. Ramdam ko ang hapdi ng mga mata nang imulat ko iyon. Kahit hindi tingnan ang sarili sa salamin, alam kong mapungay pa ang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak. "Totoo po ba na papatayin siya nang Senyor?" Nakadilat ako ngunit nakatalikod kung nasaan sila. Hindi ako gumalaw at piniling pakinggan ang pinag-uusapan nila. "Ang sabi ko, huwag ka nakikinig sa mga pinag-uusapan nang matatanda, hindi ba?" "Hindi naman ako nakikinig, narinig ko lang, nay." "Aba’y…hindi ba’t magkapareho lang iyon?!" "Magkaiba iyon, nay. Kapag nakikinig, sinasadya. Kapag narinig, hindi sinasadya." "Huwag nang maraming tanong! Manahimik ka na riyan at tulungan mo ako rito!" Muli silang tumahimi

