Abducted 23 Nang dumating ang tanghalian, sumakay kaming muli sa minaneho niyang sasakyan. Hindi para bumalik na sa hotel kundi para makapamili ng mga kailangan sa kubo. I wanted to cook so he told me he’ll teach me. Pagkatapos kong makasunog, mas napursige akong matutong magluto para hindi na maulit iyon. Kaya lang, hindi niya ako pinayagan na humawak ng kalan sa kusina, manonood lang muna ako at dessert ang tanging papayagan niyang galawin ko. Naiintindihan ko naman lalo’t gawa sa kahoy ang bahay, mas madaling masunog kung mag-panic muli ako. He won't be the only one who will have problems if I burn the house down, so will I. The smoke might be bad for the flowers too. Tumigil kami sa lilim ng malaking puno. Tumalon ako pababa at tumakbo palapit sa mga pamilihan pagkapatay niya sa maki

