Abducted 19 Kahit nang nasa loob na kami ng gym, para siyang personal guard ko na bantay sarado ako. Ayos na din iyon kaysa nasa loob lang kami ng kuwarto niya at nakakulong. Ang problema ko lang, mukhang masasayang ang labas ko dahil natapos na ako't lahat sa mga itinuturo ni Kade na tamang pag-workout, hindi ko pa rin nasilayan kahit saglit ang asul na mata ni Max. Saan kaya siya nagpupunta madalas? Naglalakad na lang ako sa treadmill nang maalala na nakita ko siya sa pool noon. Doon ba siya madalas? O sa party? Kung sa party, hindi ko maaaring yayain si Kade, baka itali na ako nitong talaga kung babanggitin ko na gusto kong sumilip doon. If it's in the pool, it's easier to make an alibi. "I feel like taking a dip…" Napatingin sa akin si Kade na tumatakbo sa gilid ko, sa katabing tre

