"Mama when will papa come to visit us?"
"Mama, can't we go to papa?. It’s my birthday"
"Mama, i love you and papa too"
"Mama, do i really have a father?"
But instead of getting the answer, she just put a warm smile on her lips. No father came during my birthday, my first day at school, my first family day, my graduation and not even now. Until i ask the last question on my mind as a 10 year old kid.
"Mama, do i really have a father?"
Hindi noon sumagot si mama pero hindi rin siya ngumiti, she just look at my eyes and pity was the only emotion i could see. From that day i stop asking her about my father, malungkot lumaking walang ama pero mas nakakalungkot ang makita ang awa sa mga mata ng aking ina dahil sa bagay na iyon.
I am Alicia Hope, living in a human world as a top high school student, a dedicated student president and a good daughter of a half human and half witch. Pero walang nakakaalam noon, kahit ang mga tinuturing kong kaibigan. They don't have to know either. I trust them yes, but i don't want to scare them with the blood running on my veins. Lalo pa't hindi lang witch blood ang dumadaloy sa mga ugat ko, I'm a half vampire also and i don't have any single idea whose my father is.
At sino nga bang maniniwala sa kanila ng tungkol doon? no one!
"Goodbye Miss President" i nod and smile to those student na nakakasalubong ko habang palabas ng eskwelahan.
Labasan na nang lahat ng level at karamihan sa kanila ay excited umuwi, samantalang ako kailangan pang mag-hintay ng ilang minuto. I need to fulfill my duty as a school student President and I also need to cast a spell first bago lumabas ng paaralan, reason? because i needed to be safe from the creature that have the same blood as mine.
Tumingala ako at isang munting ngiti ang gumuhit sa labi ko ng makita ang mala kristal na bagay na nakapalibot sa paaralan, hindi iyon nakikita ng mga estudyante sa mundong ito maliban sa akin. Simula ng mag-aral ako rito naglagay ako ng espesyal na harang, hindi lamang para sa akin ngunit para rin sa mga inosenteng nilalang sa paligid ko. Alam kong maliit ang tyansa ng panganib ngunit mas mahalaga ang maging maingat sa lahat ng oras.
'Mon vola te sier' i whisper a simple chant and i felt that something covered me. it is a spell i used to cover me. At sa tuwing ginagawa ko ito hindi ko mapigilan ang malungkot para sa sarili ko.
sa mga ganitong oras ko kasi nararamdaman na hindi ako para sa mundong ito?
"Miss President?"
Nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko habang palabas ako ng paaralan, at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kung bakit.
Nilingon ko lang siya at binigyan ng tango para sabihin na magpatuloy siya sa kung ano ang dapat niyang sabihin.
"Pinatatawag ka kasi ng principal may nagkagulo kasi kanina sa kabilang section, ahm pasensiyan na talaga miss, alam kong pauwi ka na."
I smile at her bago siya tinapik sa balikat "its okay, alam mo namang hindi sanay ang principal natin sa mga ganitong bagay. Absent din ang guidance at kami dapat muna ang nag hahandle bago dumating sa kaniya"
Napakamot pa siya sa kaniyang pisngi bago tumango, “uhm Oo nga po pala”
"Please lead the way for me"
"Ah, dito po Miss President"
We walked together patungo sa office ng principal ng eskwelahan , malayo palang ay dinig ko na ang mga sigawan nila sa loob kaya hindi na ako nagulat nang makitang nagkakagulo ang dalawang mag-aarala sa loob.
It took us almost 2 hours bago naayos ang gulo. Hindi kasi pumayag ang principal na umuwi sila na hindi pa nag-aayos because kids now a days really know how to get revenge on their own way. At yun lang ang iniiwasan namin.
"I am very sorry Alicia, hindi ko lang talaga kaya ang mga batang iyon" kanina pa iyan sinasabi sa akin ni miss Principal matapos lumabas ng mga kaeskwela ko at paulit-ulit ko lang din namang sinasabing okay lang iyon sa akin.
"No, it’s okay ma'am. It’s my duty to bring peace and order on our school"
I bid her my goodbye afterwards dahil inaabot na ako ng gabi at medyo may kalayuan pa naman ang lalakarin ko pauwi.
Madilim ang buong paligid kasabay ng pag-ihip ng kakaibang hangin na ikinatatakot ng mga normal na tao. Nakakatakot daw kasi ang daan pauwi sa amin lalo sa ganitong oras pero para sa akin ay natural ito.
Magubat ang dinadaanan ko araw-araw and this kind of noise is a music for me. Lalo na kapag sinasabayan ito ng isa sa mga nilalang na kilala ko.
Napatawa ako ng mahina ng maramdaman ang prisensya niya sa di kalayuan. Siguro ay hinihintay niya nanaman ako gaya nang palagi niyang ginagawa sa tuwing umuuwi siya.
'Tigilan mo na yan dylan, wala nang ibang taong dadaan sa lugar natin dahil sa ginagawa mo' ramdam ko ang gulat niya ng marinig ang boses ko mula sa hangin.
Perks of being a spell user.
I heard him groan as he tried to find me, pero dahil sa spell na ginamit ko kaya hindi niya malalaman kung nasaan ako o mas mainam na sabihin na hindi niya ako maamoy. Wala akong ibang nagawa kundi tanggalin ang ginawa kong mahika, nasa gubat naman ako at narito rin si Dylan kung kaya't sigurado ang kaligtasan ko. and his smell can hide me from anyone.
"Hindi na talaga ako masasanay sayo" iiling iling na tugon niya ng makita ako. Napabungisngis ako na siyang ikinangiti naman niya.
Dylan is my best friend, magmula ng magkaisip ako ay kasama ko na siyang lumaki. He’s a pure ware wolf and mama says Dylan would be the next in line.
And I know what it means. Be the leader of their group. the next alpha of the pack.
"Bakit nasa kagubatan ka pa? Hindi ba maaga ang iyong pag-uwi?"
Sinabayan niya ako sa paglalakad sa gitna ng dilim at hindi ko maiwasang matuwa dahil kabisado parin niya ang schedule ko kahit alam kong busy rin siya sa pag-aaral.
"Eh nagkaproblema kasi kaya kinailangan ko pang ayusin"
"Ay! Ang mga tao talaga, parang hindi na kita nadadalaw ng hindi ganiyang balita ang bubungad sa akin? ang swerte nila at nasa kanila ang isang anghel na tulad mo." paatras siyang naglakad habang nakaharap sa akin.
"At hindi ka na dumalaw sa akin ng hindi ako binobola" mas lumapad ang mga ngiti namin dahil sa mga kalokohang lumalabas sa aming bibig.
"Nagsasabi lamang ako ng totoo alicia, halika na nga para mas mabilis tayo. Delikado ngayon"
Napahinto ako sa paglalakad at Nagtataka ko siyang nilingon. "Delikado? Bakit?"
Pero imbes na sumagot ay tumingala lang siya sa langit, dahil sa kuryosidad ay tumingala rin ako para lang makita kung gaano kaliwanag ang buong kalangitan. Bilog na bilog ang buwan pero bakit hindi ko naramdaman?
He smile first bago nag transform into a werewolf at gaya ng dati ay sumakay ulit ako sa likod niya habang inaaninag ang kalangitan sa pagitan ng bawat punong aming nadadaanan.
Dylan knows my blood at wala siyang pakialam doon. But the weird thing is, him being protective on a vampire during the night like this, kahit alam naman niyang may kakaiba sa amin tuwing bilog ang buwan.
Nakarating kaagad ako sa bahay sa bilis niya at gaya ng inaasahan ay wala pa sila mama.
Nawala sa tabi ko si dylan pero ramdam ko naman ang prisensya niya sa likod ng isang puno, at natitiyak kong naroon ang kaniyang mga damit.
"Wala pa si mama" anunsyo ko sa kaniya bago siya makalapit sa pwesto kung nasaan ako.
"Baka may mahalaga pang inaasikaso sa harilia"
"Siguro nga, nagugutom kaba? Halika at ipagluluto muna kita"
Tumango siya sa alok ko at sumunod sa akin. Maliit lang ang bahay namin gawa sa mga kahoy at sapat para sa tatlong babae upang maging tahanan.
Natapos ang hapunan namin na puro kwento lang ni dylan ang nangibabaw. Mga nangyayari sa kaniya sa eskwelahang pinapasukan niya-sa harilia, ang Paaralan ng mga kagaya namin.
Hindi ko nga maintindihan kung paano nila napagsasama ang vampire, ware wolf at witches sa iisang eskwelahan samantalang sa mga kwento sa normal na mundo sila ang mga mortal na magkakalaban.
"Hindi ba't malapit ka nang lumipat ng harilia, alicia?"
Tumango ako habang pinapapak ang adobong niluto ko.
"Sigurado akong matutuwa ka doon. At madalas ko naring matitikman ang mga luto mo" napasimangot ako sa huling sinabi niya. Gagawin pala akong kusinera ng lalaking to.
"Plano mo na palang alilain ako pag lumipat na ako? ang sama mo!" sumaminagot ako na siyang dahilan kung bakit lumapad ang ngiti niya, hanggang sa mapuno ng kaniyang halakhak ang maliit naming tahanan.
"Biro lang Alicia pero matutuwa rin ako kung madalas kong matitikman ang mga luto mo"
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita "ganoon rin yun noh! Pinaganda mo pa!"
Narinig ko ang masiglang tawa niya sa ikalawang pagkakataon na siyang nakapag pangiti narin sa akin. Bihira lang kasi kung umuwi si Dylan dito sa normal na mundo kaya bihira ko lang siya makasama.
Naramdaman ko ang dalawang pamilyar na prisensya sa kakahuyan. Napangiti ako dahil siguradong sila na iyon.
"Naaamoy ko na ang iyong ina, mukhang malapit na sila rito alicia"
Tumango ako sa kaniya, dahil tama ang sinabi niya at siguradong si Auntie Leticia ang kasama niyang tumawid sa hangganan.
****
Kaharap ko ngayon ang seryosong mukha ni mama na talaga namang hindi ako sanay. Samantalang si auntie Leticia ay nasa tabi lang niya at tahimik na nakangiti. Umuwi kaagad si Dylan matapos makapagpaalam sa dalawang witches na to dahil kailangan na niyang bumalik sa mundo nila.
At pakiramdam ko ngayon ay para akong lilitisin sa kasalanang hindi ko naman alam.
"Ma? para saan po ba ang pag-uusapan natin?" Nagbigay ako ng pilit na ngiti pero hindi nagbago ang mukha ni mama. Naging ganiyan siya magmula ng tumuntong ako ng grade 12 at alam ko naman na dahil lamang iyon sa iisang dahilan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama at ang pagtawa ni auntie leticia sa tabi niya. Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo sa dalawang ito.
"Anak, alicia...sigurado ka bang gusto mong mag-aral sa mundo ng harilia?" Malumanay na tanong ni mama sa akin matapos ang ilang minuto.
Paulit ulit niyang itinatanong ang bagay na yan at iisa lang ang palagi kong sagot "oo ma, gusto ko po" may isa akong dahilan kung bakit gusto kong bumalik at pakiramdam ko makukuha ko ang bagay na yun oras na tumira na ako sa mundong iyon.
Hindi lamang dahil sa kuryosidad ko sa mundong pinanggalingan nilang magkapatid at sa mga magagandang kwento ni dylan, kundi dahil sa isang importanteng bagay.
"Alissa, pabayaan mo na ang anak mo. Karapatan ni alicia na matuto ng mga bagay sa harilia. Doon dapat siya, doon ang mundo natin" paliwanag ni auntie kay mama. Napangiti ng mapait si mama at alam ko kung bakit
Kahit hindi niya sabihin ngayong gabi ay alam kong ayaw niyang tumira ako sa mundong iyon. Pero alam ko rin na gusto na nilang bumalik at umuwi sa mundong pinanggalingan nila. Pinipilit lang naman nila ang sarili nila na umuwi at tumira pa rito dahil sa akin.
She wants me to stay here in human world at gusto ko rin naman pero mas lamang ang kagustuhan kong makarating sa mundo nila.
Yun ang pangarap ko magmula pa noon, dati ang palagi kong dahilan ay ang makita lang si papa, para mabuo ang pamilya namin pero napalitan na yun.
May mga bagay talagang magbabago sa paglipas ng panahon at isa na ako sa isang patunay na ebidensya..
"Osige na, kung yan talaga ang gusto mo anak ko" nginitian ko si mama, i was about to hold her hands ng may maramdaman akong kakaiba.
Eto nanaman siya, yung pakiramdam na parang may humihila sa akin paalis sa katawan ko. "Alicia?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni mama at hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil sa emosyong nakikita ko sa mga mata niya na ako ang dahilan.
"Ayos lang ma, it’s just a vampire instinct. I guess? Labas lang po muna ako"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at agad na lumabas ng bahay. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at nakita ang bilog na buwan. I almost forgot about it dahil sa pag-uusap namin, kaya naman pala nararamdaman ko nanaman ang bagay na ito. Akala ko wala na, pero kahit ano siguro ang gawin ko ay hindi ko matatakasan ang sumpang ito.
I run on the forest and hide myself in the dark like the usual thing I do sa tuwing sasapit ang ganitong gabi. Ngunit kahit gaano kadilim ang buong paligid ay nakikita ko parin ang lahat, bawat galaw ng hayop maliit man o malaki, mga ingay ng halaman at ng ilog sa kabilang dulo ng gubat. Bawat pagbagsak ng mga patay na dahon sa puno at kahit ano pang maliliit na bagay.
Minsan naiinis ako dito dahil mas lalo kong nararamdaman na hindi ako normal, i mean not a human pero yung gaya nila mama lalo't pa sa klase ng dugo ang nasa loob ng katawan ko. A not so normal kind.
I stop on my track as i feel again this weird feeling. Yung parang may humihila sa akin at ang kakaibang init na parang sinusunog ang buo kong katawan. I didn't tell this to mama dahil siguradong mag-aalala lang siya and i don't want that.
Sapat na ang lungkot na nakikita ko sa mga mata nila sa araw-araw bilang kabayaran sa pagiging kakaiba ko at ayoko nang madagdagan pa iyon.
Pilit kong nilalabanan ang kakaibang pakiramdam na ito. Masakit sobra, pero nalalabanan din ng katawan ko.
I closed my eyes and composed myself 'calm down alicia, everything will be fine' i murmured in the air habang pinapakiramdaman ang sarili pero ang iba ang naramdaman ko and I'm sure that this is not a mistake.
"Sinong nandiyan?" Lumingon ako sa kaliwa ko dahil alam kong may nag-mamasid sa akin at nagpapasalamat ako na buo kong nasabi ang mga salitang yun kahit na natatakot ako at nanghihina.
I pray as the minute pass by na sana ay si dylan lang pero sinong niloko ko kanina pa nakaalis si dylan, and this is not his smell.
Mabango ang amoy ng kung sino man ang nasa paligid ko ngayon at aaminin ko na gustong gusto ko ang amoy na ito.
"A beautiful lady under the light of Luna indeed this is the perfect gift" malumanay at malalim ang boses na pumilanlang sa paligid.
Mula sa dilim ay may lumabas,
Isang lalaking may maputlang balat, matangos na ilong, at magagandang pares ng mga mata.
In my mind i saw how perfect he is, at lalo pa siyang gumwapo sa paningin ko dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa kaniyang perpektong mukha and i can't help myself but to stare on his grayish eyes.
Ang sarap pagmasdan ng mga ito. I don't know how long i stared at him at ganoon din siya sa akin.
At sa pagkakataong iyon, isa lang ang alam ko - may nagbago sa isang Alicia Hope Greyson
-Alicia Hope Greyson