ANDREA'S POV Sakay sa sasakyan ni Toffer puno nang negatibo ang isipan ko. Paano nalang kung hindi na talaga ako makakabalik sa pag aaral? Sabi ni Toffer, galit na galit si Giovann kaninang umaga. Tapos kanina mas nadagdagan lang ang galit niya. That call will make me freeze. I'm nervous. Parang nagka rerahan ang dibdib ko. Pero kahit na ganon di talaga pumasok sa utak ko ang tumakas man lang. Kasalanan ko rin naman ito kaya sarili ko lang ang makakagawa ng sulosyon kung paano ko maibsan ang galit ni Mr. Mercedez. "Ano pangalan ng lalaking yon Ma'am Andrea? Aaron ba yon? Tsk tsk pangalan palang tsugi na agad kay bossing"Daldal pa ni Toffer Kahit papaano naibsan ng ka- onti ang bigat na naramdaman dahil sa kaka-rinig kay Toffer. Lalo na kapag iniling ang ulo at ngingisi ng mag isa.

