Raquel POV "Good morning anak!!" "Good morning ate!!" Bati agad nilang dalawa pagbaba ko "Good morning!!!. Mukhang ang saya ng umaga niyo ah!" Sabi ko at tumabi kay Dex ta's kuha ng kanin Napatigil na lang ako ng mapansin kong nagkatitigan sila sa isa't-isa. Kasama si Manang Sel "Ano pong meron??" Tanong ko at tumingin sa kanilang tatlo "Wla anak!. May naaalala lang kami" sabi ni mama at tiningnan ang relo niya. Kumain na lang ako "Naku!. Malalate tayo sa field trip mo anak!!. Tapusin mo muna yan! Ta's alis na tayo!" Parang naweweirduhan ako sa kanila ah!. Parang may mali eh! "Sige po ma" "Osiya anak!. Ikaw muna ang maghatid ng order oh!. Sasamahan ko kasi si Dex" ani Mama "Sige po ma" sagot ko at subo "Nandon na sa mesa sa sala yung order. Nilagay ko din sa loob ang address. P

