Bryan POV
Nandito ako sa terrace ng aking kuwarto na malalim ang iniisip
Hanggang....
"Aaaaaaaahhhhh!!!!!!!!!!" Ang sakit ng ulo ko
Pilit akong pumasok sa kuwarto ko na nakahawak pa din sa ulo hanggang nakaupo ako sa kama
"Aaaaaahhh!!!!!"
May ilang larawan na pumapakita sa utak ko. Isang babae, parang si Raquel to ah! si Raquel nga!
'Sino ba talaga siya?, bakit pati sa nakaraan ko ay napakahalaga niya?'
"Tiiiiiggggiiiiillll naaaaa!!" Naramdaman ko na lang na nakahandusay na ako sa kama
~fast forward~
Ianie POV
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni kuya habang si mama ay pabalik-balik sa paglakad dito sa loob
Napansin ko na lang na gumalaw ang kamay niya at inimulat na nga niya ang kaniyang mga mata
"Ma!!" Sabi ko agad naman siyang lumapit sa amin
"Ma? Aya?" ani Bryan sabay bangon. Inalayan naman namin siya
"May naalala kana anak?"
~fast forward~
Bryan POV
"Magpahinga ka muna iho, sa susunod na araw maari ka nang lumabas" sabi ng doctor
"Sige po maiwan ko muna kayo" dagdag niya
"Salamat sa Diyos anak, naalala mona lahat" masayang wika ni mama
"Opo ma, salamat talaga kay Lord" sabi ko naman
"So ibig ba sabihin anak, naalala mona kung ba't mo ginawa 'yun"
Nalungkot nalang ako ng bigla ko siyang maalala. Andami ko nang nagawang kasalanan sa kaniya somula nung magkita ulit kami. May kasalanan din naman siya sa akin, sila sa akin. Payts! Lang yun diba?
"Ma, huwag na natin pag-usapan 'yun. Ang importante nakaalala na ako" sabi ko at ngumiti
Bumukas ang pinto at iniluwa si aya dala ng pagkain
"Oh! Kuya! Hindi ko na sinabi sa iba na nakaalala kana" sabi niya sabay lapag sa mesa ang dala niya
"Bakit naman?" takang tanong ko
"Kanino ko ba sasabihin. Wala naman tayong contact sa mga don!" "Ay teka nga pala! Si Raquel sa kaniya nalang!" Sabi niya sabay kuha ng kaniyang cp
"Huwag! Huwag mo munang sabihin sa kaniya/kanila" sabi ko na may papigil sign pa
"Ah, sige kuya. Kung yan ang gusto mo" sabi niya sabay balik ng kaniyang cp sa sling bag niya
~NEXT TWO DAYS~
Raquel POV
Bumaba na ako ng hagdan at nadatnan ko si mama na naglalagay sa lunchbox ni Dexter, kapatid ko
"Oh anak gising kana pala"sabi niya na patuloy parin sa pinaggagawa. Wla kasi ang kasambahay namin kasi nagbakasyon pa
"Ma, saan ka pupunta?"
"Magrereunion kami ng ka batch mate ko anak. At bumili rin sila ng mga binenta kung beauty products"
"Ah, sige po"
"A siya anak. Ikaw na ang magbigay neto sa kapatid mo. Medyo late na rin kasi ako" sabi niya sabay lagay sa harapan ko yung lunchbox at hinalikan ako sa pisnge at umalis
~fast forward~ (school)
Pagbaba ko ng sasakyan ko ay siya namang tumawag si Irene
"Irene, napatawag ka" aniko habang patuloy sa paglalakad. Ang laki kasi ng eskuwelan nato, Ewan ko ba kay Tita
Yes, si Tita Evelyn ang may-ari nito kapatid ng stepfather ko. Well, nalilito kayo noh! Malalaman niyo rin
[Raquel, puwede bang pumunta diyan sa inyo]
aniya sa kabilang linya
"Sorry Irene, wla kasi ako sa bahay. Nasa school ako ng Tita ko. Mamaya naman, ay pinapunta ako sa kompanya kailangan kasi ako don, at tska mamayang 3 may meeting, ako muna ang dadalo wla kasi si mama" mahabang salita ko
[ ganon ba ]~ halata sa boses niya ang lungkot
"Bukas na lang, free naman ako"
[Sige, bukas na lang]
"Sige, bye" sabi ko at binabaan na siya
Naglalakad pa din ako ng..
"Raquel!"
Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Tumingin ako sa bandang kaliwa at nakita ko doon si Bryan
"Raquel Mae Montecillo" ani niya habang naglakad papunta sa direksiyon ko
"Naalala muna ang buong pangalan ko? Nakaalala kana?"ani ko at ang lunchbox pala at bitbit ko pa din na nilagay sa supot
"Oo Raquel, naalala ko na lahat" sabi niya habang nakangisi
"Congrats sayo. By the way, bat nandito ka?"
"Sinusundo ko lang yung pamangkin ko. Eh ikaw?"
"Ihahatid ko lang itong pananghalian ng kapatid ko" sabi ko sabay pakita sa kaniya nung lunchbox
Maya-maya'y may lumapit sa kaniyang isang magandang batang babae. Siguro pareho lang sila ng kapatid ko
"Kuya!" Lumingon siya sa akin napansin niya ata ako. Ngitian ko lang siya
"Hi!! Ako nga pala si ate Raquel mo!" nakangiting wika ko
"Hello po! Shairmaine po. Nice meeting you po!" Sabi niya habang si Bryan ay nakikinig lamang
"Girlfriend po ba kayo ni kuya Bry?"
"Psst! Shar, ano bang sinasabi mo. Friend ko lang si Raquel hindi ko aiya gf" ani Bryan na tumingin sa babae tapos tumingin sa akin
"Raquel, pasensiya na sa sinabi niya" sabi ni Bryan
"Heheheh. Ok lang"
"Shar, mauna kana sa kotse. May mahalaga pa kaming pag-usapan ng ate Raquel mo"
"Sige po" ani Shar at umalis. Sa hindi pa man siya nakalayo ay may sinabi siya
"ALAM NIYO PO, KUYA ATE!! BAGAY PO KAYO!! SANA MAGJOWA NA KAYO!! BOTONG-BOTO AKO SA INYO!!" sigaw niya at tumingin pa sa amin ng nakakalokang tingin
Iba na talaga ang panahon ngayon. Ang matured na ng mga bata, hindi naman kami ganyan noon
"IKAW TALAGANG BATA KA!!! ISUSUMBONG TALAGA KITA SA MAGULANG MO!!" Sigaw din ni Bryan at tumakbo na si Shairmaine
"Hahahah. Mga bata talaga" may patawang sambit ko
"Pasensyahan muna yon"
"Okey lang. Sige ha mauuna nadin ako sayo" sabi ko sabay talikod sa kaniya
"Raquel, sandali lang!" Sabi niya at muli akong humarap sa kaniya
"Ano yun?"
"Puwede bang pupunta sa inyo, bukas? Doon pa naman kayo nakatira diba?"
"Oo, Puwede lang. Kaso, pupunta din bukas si Irene, okay lang ba sa iyo?"
"Okay lang"
"Sige ha, puntahan ko na ang kapatid ko"
"O sige. Kitakits!"
Ngitian ko muna siya bago ko linisan siya
"Ay, magkikita ang mag-ex bukas" bulong ko napangiti nalang ako
_____