Bryan's POV
Katatapos lang naming gumawa ng designs para sa valentine's day na gagawin bukas, nagpahinga na kaming lahat, kami kasi ang Supreme Student Council ng university namin, nandito kami lahat maliban kay Irene na ang balita ko ay nasa hospital, nabaling ang atensyon ko kay Raquel
"Ate's, kuya's babalik lang ako ha" ani Raquel, na agad lumabas at tsak akong pupunta yon sa rooftop, sa lahat kasi ng co-officers ko siya lang yung hindi ko lubusang kilala. Tumayo ako, nakita ko silang lahat na hawak ang sarili nilang cp, naiwan kasi ang cp ko sa bahay, napagdesisyonan ko na lang na sundan si Raquel
–Raquel pov–
Buti na lang at mabilis akong nakarating dito sa rooftop, boring kasi don sa SSC room, charge naman yung cp ko, wla naman akong ibang makausap hindi kasi kami close sa kanila. Pero ang totoo niyan ay bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakita ko si Bryan, oo aaminin ko na crush ko siya, pero hindi ko sinabi sa kanila
"Hay! Salamat na lang at nawala na yung mabilis na t***k ng puso ko"sabi ko sa aking sarili habang hawak sa aking puso. Tumingin na lang ako sa malayo
"Bakit naman mabilis ang t***k ng puso mo?"
Napatingin at nagulat ako sa lalaking nagsalita, hindi ko akalain na susunod siya sa akin, bumibilis na naman ang t***k ng puso ko
"Kuya Bryan, ikaw pala yan"
Oo kuya dahil mas matanda siya sa akin ng dalawang taon
"Anong ginagawa mo dito kuya" dagdag ko at tiningnan si Bryan na nakatingin sa malayo
"I'll guess, na hindi tayo masyadong magkilala, gusto ko sanang makipag-usap" sambit niya at tumingin sa akin
Natawa naman ako sa sinabi niya
"May gusto pa ba talagang makipag usap sakin" tawa kong sambit
"Oo naman, alam mo nung una akala ko i snob mo lang ako kapag kinausap kita" sabi ni Bryan na tinawa ko
"Akala mo lang yun" sambit ko
"Natatakot nga akong lumapit sayo"
"Alam mo kuya, yan din yung aabi nila eh, natatakot raw sila sa akin" natawa na lang ako sa sinabi ko at sa kaniya
"At yung paglakad mo" sabi niya na ginagaya pa ang paglakad ko, napatawa na lang ako sa kaniya
"Astig!"sabi niya na tumigil na rin sa pinaggagawa niya
"Palabiro ka pala ya noh" sabi ko
Tumawa na lang siya na nakatingin sa malayo
"Bryan! Raquel!, tawag na kayo!"
Napalingon kaming dalawa. Si Kelly isa sa SSC
"Sige susunod n a kami"sabi ni Bryan at umalis na din si Kelly
"Tawag na raw tayo, Tara!" sabi ko. Umalis na kaming dalawa sa rooftop
**KINABUKASAN**
–Raquel pov–
Papasok ako ngayon sa school, naka black t-shirt, black pants at white rubber shoes ako. Nakacivilian ako ngayon kasi ok lang dahil Valentine's Day
Pagpasok ko pa lang ay tumumbad na sa akin ang mga estudyanteng nakapula, as always palagi naman silang nakapula basta Valentine's Day, iilan lang din ang nakita ko na hindi naka pula
"Raquel!!" sigaw ni Irene na tumatakbo palapit sa akin na nakapula, always naman siyang magred kapag valentines day, naalala ko pala malapit na pala birthday Neto
****
'Ang bored naman sa valentines day, wla akong ibang nagawa. Ang friends ko naman ay nanood konuhay ng sine'
Umakyat na lang ako sa rooftop, nagbabasakaling nandito si Bryan pero wla akong Bryan na nakita, ang huli kong nakita ay kasama niya sina kuya Paul
Nilanghap ko na lang ang sariwang hangin
"Napakaganda talaga ng ginawa ng panginoon" pabulong kong sabi
Ilang minuto akong ganon, may tumunog sa aking cp, dali-dali ko itong kinuha at napagtanto kong naka-onn ang data, nag-chat ang president namin sa SSC
**MEETING TAYO ASAP**
Ini-off ko na ang data at inilagay ko ito sa bulsa
"Patay ako neto!!" sabi ko at nagmamadaling umalis sa rooftop patungong SSC room. "Sigurado akong papagalitan kami non" bulong ko
___