Bryan POV Sinusundan ko ngayon si Raquel na naglalakad siya sa tabing dagat. Ako naman ay dito lang sa may puno Hanggang tumakbo siya at pinuntahan si Marc. Si Marc na naman! Nagtago ako dito sa malaking puno, medyo malayo sa kanila. Hindi ko nga din narinig kung anong pinag-uusapan nila ______ Irene POV Bibili na sana ako ng pasalubong para kay mommy at daddy ng makita ko si Bryan na nakatago sa malaking puno. Mukhang may pinagtataguan ito Tiningnan ko ang tinitingnan ni Bryan. Sumikip ang dibdib ko ng makita sina Raquel at Marc na magkasama Nagtago din ako sa puno, malayo kay Bryan. Marami kasing mga puno dito Pero mas sumikip lalo ang aking dibdib ng ilapit ni Marc ang mukha niya kay Raquel. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha sa gilid ng mata ko Pero napahinto ako sa pag

