CHAPTER 8

974 Words
Bryan POV Nandito ako ngayon sa may pool sa condominium nila Piolo. Oo, sila ang may-ari dito, ang yaman nila noh, mayaman naman kami pero mas higit sila, actually lahat kaming magbabarkada ay mayaman. Ang iba naman ay nandon na sa sariling condo ni Piolo, sabi kasi niya kanina na dito na lang raw kami. Bigla ko na lang naalala kanina **Flashback** "Anak, pupuntahan lang namin ang kapatid mo ha" sabi ni mama "Sige ma, maghihintay na lang po ako dito" sabi ko kay mama, umalis naman siya Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, nakita ko si Raquel na nakatingin sa akin na parang may iniisip. Kitang-kita ko sa mata niya ang kalungkutan, parang may mali? Parang may itinatago siya sa amin? sa akin? **End of flashback** "Bakit ganon siya makatingin sa akin kanina" bulong ko "Babe!!" Napalingon ako sa likod ko "Uy babe" sabi ko tsaka niya ko niyakap May girlfriend ako pero ba't ganon pakiramdam ko ay hindi ako masaya, parang may Mali? may kulang? Pakiramdam ko hindi kami magtatagal ng babaeng ito "May problema ba babe?" "Wala, tara punta na tayo sa kanila" sabi ko tsaka siya hinila *** Raquel POV Nagkukuwentuhan kami ngayon, nilibot ko ang aking paningin sa paligid "Asan na kaya ang dalawang 'yon" pabulong na sabi ko "Sinong hinahanap mo Raquel?" sabi ni Raffy na nasa harap ko "Siguro si Bryan at Irene noh"sambat ni Piolo "Hindi, may sasabihin lang ako kapag andito na sila" sabi ko "Mamaya mo na lang silang hanapin, i-enjoy mo na lang, cheers!!" sabi ni Sheila Kahit kailan talaga pala-inom sila ako lang ata ang hindi umiinom. Pero tama si Sheila, i-enjoy ko na lang ang gabing ito dahil last na lang ito sa pagsama ko sa kanila **Dingdong**Dingdong­** Pinuntahan agad ni Piolo ang pinto. Napalingon kaming lahat ng inuluwal ng pinto sina Bryan at Irene. Yakap-yakap ni Irene si Bryan sa bewang. Hindi na lang ako tumingin sa kanila. Umupo na rin silang dalawa "Raquel, inom ka din oh" sabi sa akin ni Marc sabay abot sa akin ng isang shot "Kilala niyo naman ako, hindi ako iinom"sabi ko "Sige na, isang shot lang oh" pangungulit ni Marc na hawak pa din ang baso "Iinom na 'yan! Iinom na yan!" pangungulit nila sa akin Kinuha ko ang baso at tumayo "Ohh" sabi nila "O sige guys papayagan ko na kayo. I-enjoy lang natin toh, dahil ito na ang huling pqgkakataon na makakasama ko kayo! Cheers!!" sabi ko, lahat sila nagulat, napatayo bigla si Bryan "Anong sabi mo!?last?" pagtatakang tanong ni Bryan Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng lungkot. Umupo ako at inilapag ko ang baso sa ibabaw ng lamesa, umupo din si Bryan. Tiningnan ko sila isa't isa, nakita ko sa kanilang mukha ang pagtataka at lungkot "Guys sorry ha, ngayon ko lang gustong sabihin sa inyo to" sambit ko habang nakayuko "Sa States na kasi ako magcocollege "ANO!!?" gulat na sabi nila "Bukas na ang alis namin" ani ko pa "Akala ko ba dito ko lang, diba wlang iwanan" sabi ni Lyca na may halong pag-alala "Bakit doon pa Raquel?" sabi ni Irene "Sorry ha kung ngayon ko lang sinabi" "Para saan?! Para kanino?! Masaya ka naman dito ah!" Taas tonong sabi ni Alvin "Sorry ha, selfish kasi ako" napatayo pa ako nung sinabi ko yun Biglang tumayo si Piolo at niyakap ako "Naiintindihan ka namin Raquel, wla naman kaming magawa dahil desisyon mo yan"tapos humiwalay na siya sa pagkakayakap at umupo "Oo nga Raquel, magpakasaya ka don ha. Huwag mo kaming alalahanin" sabi ni Raffy Ngumisi ako tsaka siya niyakap sabay bulong "Thanks kuya" sabi ko. Niyakap ko sila isa-isa *** Raquel POV "Bye Philippines, I will miss you. Bye Bryan, see you soon" bulong ko, naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko Akala ko pupunta siya dito para pigilan ako, akala ko lang yon. Psst bakit ko ba siya iniisip, pupunta ako sa states para makapagmove on, ayoko ko nang masaktan, pagod na pagod na ako, pero ang tanong lang sa isip ko ay KAYA KO BA? hindi ko alam pero kakayanin ko Maya-maya'y nakatulog na ako..... ***AFTER A MONTH*** Bryan POV It's been a month nadin nung umalis si Raquel, namiss ko tuloy siya, nakakpanibago lang na wala siya. Normal lang naman na ma-miss ko siya, pero parang hindi eh, parang higit pagkakaibigan pa. Baliw na talaga ako, so baliw na baliw na ako 1 month narin 'nung nag-break kami ni Irene, huwag na nating pag-usapan malalaman niyo din. Palakad-lakad lang pala ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Sa bawat hakbang ng paglakad ko ay maalala ko ang mga masayang alaala na iniwan ni Raquel sa paaralang ito. Napangiti na lang ako. Para akong baliw na ngingiti nalang mag-isa Nandito na pala ako ngayon sa rooftop, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko Naalala ko tuloy si Raquel, dito kami unang na-close, napangiti nalang ako, tumingin na lang ako sa malayo "Ang lalim ng iniisip mo ah" Hindi ko nalang ito nilingon dahil ko na kung sino siya, si Marc "Siya namn iniisip mo noh?" sabi ni Marc. Kunot noo ko siyang tiningnan nasa tabi ko na pala "Sinong siya?" "Huwag kana magdeny Bryan, alam ko na" Nagulat ako sa sinabi niya "Alam ko na, may gusto at mahal mo si Raquel" aniya "Pano mo nalaman?" "Tsk! Halata ka kaya" Ako? Halata? Hindi kaya? "Eh kasi, naalala mo nung umalis ka sa room, dahil ipinatawag ka Kay ma'am principal, hindi mo nadala 'yung bag mo. May pa diary-diary ka pa ha!" "Huwag mong sabihin sa kanila ha" "Oo naman, best bro kaya kita" Ngumisi nalang ako sa kaniya. Ang suwerte ko talaga sa best bro ko. Sa lahat kasi ng kabarkada namin, siya 'yung best bro ko at madaling lapitan _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD