Bryan POV Naawa na ako kay Raquel nung pinanood ko ang video niya. Naglagay kasi ako ng maliit na CCTV sa buong condo namin, office ko, sa loob ng kotse niya at sa office ni Marc dahil alam kong dun siya pupunta Alam ko ding nagtataka na siya sa akin kagabi kasi, hindi ko siya pinapansin. Pero sorry love, kasali yun sa plano ko Miss na miss ko na nga siya. Ang labi niya, ang yakapin siya. Actually, hinalikan ko muna siya sa noo kaninang umaga bago ako umalis Ang dami din niyang texts at missed call sa akin, pero binaliwala ko lang yun. Gusto ko maging successful ang plano ko. Para naman ito sa kaniya at amin Kasali na din pala sa plano ko sina Marc at Irene. Sina mama at papa, Ianie. Soon na mama ko na si Tita Sofi at Dex. Nandito sila sa proposal ko mamaya Tiningnan ko ang mukha ko

