SIMULA ng dumating si Brianne sa buhay nila ni Sebastian ay napalaking adjustment ang ginawa nila. Financially and emotionally. Lalo sa unang mga buwan ng baby. Dahil sa gabi gising ang bata. Laging drained ang energy ni Brielle. Breastfeeding momma pa siya. May mga araw na talagang sumasabog na siya sa pagod at puyat. Naiinitan niya ng ulo si Sebastian. Pero hindi tulad noon na nilalayasan siya nito, ngayon ay hinahayaan lang siyang mailabas ang frustration pagkatapos ay yayakapin siya't papakalmahin. Malaki na ang pinagbago nito sa dating Sebastian. Responsableng at malambing na ama kay Brianne. Umiyak lang ng konti ang bata kakalungin kaagad. Kahit pagod sa school at pagpapart time may oras pa itong laruin ang bata. Kung minsan nga nakakatulugan na nitong may hawak na libro habang kala

