NANG maghiwalay sila ng landas ni Abigail kaagad niyang kinuha ang cellphone para tinawagan si Sebastian. Sa ikatlong ring sumagot ito. "Hindi mo ba naririnig ang chismis?!"Tinakpan pa niya ang mouth piece habang palingon-lingon sa paligid. Naninigurong walang malapit na estudyante sa kaniya. "Anong chismis?" His voice was deep and husky. Parang kagigising lang. "Nakabuntis ka raw!" mahinang asik niya sa kabilang linya. "Hindi ko pa narinig yan. May nakakita siguro sa'tin no'ng magpunta tayo ng OB-Gyne mo," kaswal na kaswal ang pagkakasabi nito na tila hindi naligalig. "Pwes! Dapat mas mag-ingat tayo! Teka, bakit parang wala lang sa'yo?" Bumangon ang inis sa dibdib niya. "What do you want me to do, Brielle? Hayaan mo na lang 'yon. Mamamatay rin ang issue na yan, okay?" "May is

