SA sumunod na linggo ni Brielle sa campus, balik siya sa dating routine. After class diretso sa dorm o 'di kaya'y lumalabas sila ni Ivan minsan para kumain. Ganoon din si Abigail na panay ang yaya sa kanya tuwing may pupuntahan itong party. Pero tuwina'y tumatanggi si Brielle. Hindi sa KJ siya. Iniisip lang niya baka magkita na naman sila ng Sebastian na 'yun. Hindi niya rin talaga alam bakit kumukulo ang dugo niya sa lalaking yun. Kung tutuusin wala naman talagang direktang ginagawang masama sa kanya si Sebastian. "Brielle, right?" Huminto si Brielle sa paglalakad at kunot noong tinitigan ang babaeng nakatayo sa harapan niya. Kakatapos lang ng isang subject niya at balak sana ni Brielle ang magpunta sa library. "Maxine, remember?" Nakangiting wika nito. Kinilala niya ang babae. "Ah..

