"Why? What's wrong?" tanong nito at hinaplos ang pisngi niya. "May mga dumating raw na tao sa bahay ngayon at hinahanap tayo." "What?" Bumalatay ang pag-aalala sa anyo nito. "Sinong—" marahas na umiling si Sebastian. "Let's go home," pagkuway sabi nito't inalalayan siyang palabas ng events area. May ilang mga kababata pa ni Briellw ang nagtanong bakit aalis na sila. Nagdahilan na lang siyang sumama ang tiyan. Mas mahalagang makauwi sila sa lalong madaling panahon. Habang bumibiyahe, hindi mapakali si Brielle. Maya't maya siyang tumitingin sa cellphone at nagtetext sa mommy niya. Tinanong din niya kung nasaan si Brianne at ibinilin na huwag papalabasin ng silid ang anak. Kung anu-ano na kasi ang tumatakbo sa isipan niya. Paano kung saktan ng mga ito ang mag-lola at ang kapatid niya a

