KINAUMAGAHAN nagising sila ni Sebastian mula sa mahihinang katok sa bintana ng sasakyan. Mga traffic enforcer na naglilinis sa mga punong natumba. Inabisuhan sila ng mga ito na malinis ang daan at maari ng madaanan ang tulay na isinara. They arrived safe at home. Maging ang mag-lola at kapatid niya ay mabuti ang lagay. Parang nagdahilan lang ang langit. Dahil sa mga sumunod na araw ay maganda na ang panahon. Tirik na tirik muli ang pang abril na sikat ng araw. Tuloy na ang paghahanda at pagsasaya ng mga kabarrio nila para sa nalalapit ng fiesta. Abala na sila sa mga ihahandang putahe at sa gagamitin ni Brianne para sa flores de mayo. Puspusan si Sebastian para matapos ang arko ng anak nila. May araw na tinutulungan ito ng daddy niya kapag dumadalaw doon. At talagang sipsip ang mokong d

