HIMALA nang umagang iyon hindi niya nadatnan si Sebastian sa salas nila. Madalas kasi pag-gising nilang mag-ina ay naroon na ang lalaki at inaantay sila. Kaya panay ang tanong ni Brianne kung nasaan ang daddy nito, na hindi naman niya alam ang isasagot. Baka naman napagod na kakasuyo sa kaniya? Or baka tinablan na ng mga sinabi niya dito kahapon? Ito na nga ba ang sinasabi niya. Mas maganda talagang out of picture na si Sebastian sa buhay nila. Dahil paano kung may mga ganitong scenario na hindi na lang ito bigla magpakita. Kawawa lang ang anak niyang umaasa. Paano pa kaya kapag dalawang bata na nagtatanong sa kanya. Baka mabuang na si Brielle. BANDANG TANGHALI nang araw din iyon, pagkatapos mananghali ang sarap ng pwestong nilang mag-ina sa salas, makatabing nakahiga sila sa mahabang

