NAGTAKA si Brielle nang lumabas si Ivan at hindi man lang anyayahang pumasok ang bisita. Sa labas ito nakipag-usap na tila ayaw nitong makita nila kung sino 'yon. Binalingan ni Brielle sa ina na abala na sa pag-aasikaso kay Brianne. Pinapakain ng meryenda ang bata. "Mom, silipin ko lang po si Ivan sa labas," paalam niya. Sumulyap ang ina kay Brielle pagkataon subuan ng kakanin si Brianne. "Sinong dumating? Bakit hindi papasukin ni Ivan." Nagkibit balikat siya. "Hindi ko po alam." Tinungo ni Brielle ang screen door. "Wala naman akong inaasahang bisita.. Ay! Baka si Aling Salome 'yan! May inaalok na lotion ang matanda iyon sa'kin nang makasalubong ko siya kahapon." Sinulyapan ni Brielle ang sa ina at muli ibinalik sa labas ng screen door ang tingin "Labas po muna ako." Natanawan ka

