ARAW NG BIYERNES. Kinukulit siya ni Abigail na bumili ng mga outfit na susuotin para sa outing. They were talking inside their room. Brielle was preparing her things for her class this morning. "I mean.. come on, Brie! Wala ka nga yatang proper outfit for hiking!" Kunot ang noong nilingon ni Brielle si Abigal na walang tigil sa pagsasalita. Naka-indian sit ito sa tabi ng bag niya. "Ayoko bumili. Gastos lang 'yan. Mag-hi-hi-king lang naman 'di ba? may rubber shoes ako dyan at leggings. Pwede na yun." Abigail rolled her eyes. "Ano ka ba?! eh, swimsuit? Wala ka yata." "Hindi ako nagsusuot ng swimsuit." Brielle shrugged, putting her binder and psychology book inside her backpack. "Shorts at tshirt lang pwede na." "Brielle, hellllooo!" Nanlalaki ang matang hinawakan ni Abigail ang kama

