Chapter 57 CRYSTAL "Levon, stop the car!" sigaw ko hindi siya nakinig sa akin. Wala talaga siyang balak na ihinto ang sasakyan. Hanggang sa lumiko ang sasakyan sa isang bagong bahay na hindi pa tapos. Hindi ko masabi na kasing laki ng mansion nila dahil gabi na. Hindi gaano karami ang mga ilaw sa labas ng bahay. Bumukas ng kusa ang gate gamit ang remote control na pinindot niya. Nang makapasok na loob ay pinarada niya ang kanyang sasakyan. Lumabas ako ng kusa para matapos na ang usapan kung may pag-uusapan kami. "Kailan pa talaga na dalhin mo ako sa bahay na'to para kausapin ako?" tanong ko sa kanya at binuksan niya ang main entrance ng bahay. "Sa loob tayo mag usap." Mahinahon niyang sabi sa akin hanggang sa nabuksan na niya ang bahay. Bagong-bago pa dahil amoy pintura ang suma

