Chapter 2

1578 Words
Chapter 2 Crystal Pagbaba ko mula sa aking kwarto ko, nadatnan ko si ate Kristina. Nakaupo siya sa living room at nasa kandungan niya ang kanyang laptop. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. "Ate si Mommy umalis na ba siya?" tanong ko. "Oo, kanina pang umalis, bakit may kailangan ka ba sa kan'ya?" tugon niya sa akin. "Wala naman ate, magpapaalam lang kasi ako. We're having lunch outside with my friends today." Saad ko, habang busy pa rin siya sa kanyang laptop. "Okay! Don't be late mamaya. 'Di puro ka nalang lakwatsa, kung 'di lang si daddy may sabi na e-celebrate ang pagtatapos mo, 'di ko na sana na cancel ang night outing namin ng mga friends ko." Sabi niya sa akin. Hindi na ako nagsasalita pa dahil kung nakikipagtalo pa ako sa ate ko wala rin. Ako pa rin ang mali, ni minsan 'di man lang niya ako pakisamahan bilang bunso niya na kapatid. Nagpaalam na ako sa ate ko, tanging tango lang ang sagot niya sa akin. Lumabas ako ng bahay nakita ko si manong Daniel, sa garden na nagdidilig ng mga bulaklak at halaman. Tinawag niya ako at lumapit ako ako sa kan'ya. Mas pakiramdam ko na sila ang pamilya ko. Dahil sila lang ang nagtatanong sa akin sila rin ang laging nangungumusta sa akin, maliban kay daddy at sa mga matalik kung kaibigan. "Saan ang punta mo hija?" tanong sa akin ni manong. "Sa labas po Manong, kasama ko ang mga kaibigan ko." Sagot ko sa kan'ya at pumitas ako ng isang pulang rosas sa garden namin. "Sige hija, mag-ingat ka at ang kotse mo ba ang gagamitin mo o ihahatid nakita," presinta sa akin ni manong. "Salamat po manong. Ako na po ang mag-drive. Full tank po ba ng gasolina ang kotse ko?" tanong ko sa kan'ya tumango siya sa akin at nginitian niya ako. Alam kasi ni manong, kapag may trabaho siya 'di ko siya inaabala sa kanyang trabaho. Nagpaalam ako sa kan'ya at diretso ko nilakad ang maliit na garage namin. Nang nasa garage na ako kinuha ko ang susi ng baby blue Fiat car ko. Pinaandar ko agad ang sasakyan ko. Nang palabas na ako sa garage kumuway sa akin si manong. "Ingat hija!" malakas na sigaw ng boses ni manong at ngumiti ako sa kan'ya. Habang nagmamaneho ako feel na feel ko ang pag-da-drive sa aking sasakyan. This was an unforgettable and most important gift from my father, mula ng ibigay ni daddy 'to lagi kung iniingatan. When I was eighteen years old niya niregalo sa akin ang kotse na'to sa araw ng debut ko. Pagdating ko sa Boulevard restaurant ay pinark ko agad ang kotse ko sa parking area. Paglabas ko sa sasakyan si Andy agad ang nakita ko na nakapamewang. Tumawa ako sa style niya, daig pa si vice ganda kung itaas ang kilay. "Hoy bruha!" sigaw niya sa akin umiling-iling lang ako. "Bakit, hoy agad Andrew?" tanong ko sa kan'ya na mas lalo niyang tinaas ang isa niyang kilay. Dahil binanggit ko ang totoo niyang pangalan pinakaayaw pa naman niya. "Crystal Garcia, kung maka Andrew ka d'yan sa akin parang "di mo ako kilala." Maarteng sabi niya sa akin. "Sorry na po, Andy." Malambing na saad ko sa kan'ya hinalikan ko siya sa pisngi. Si Andrew or Andy he's my best friend, isa siya sa nagpapagaan ng loob ko. When I am sad, when I need to talk he's a good listener. I am so lucky to have a friend like him. Kung hindi lang siya bakla napagkamalan kaming mag jowa. Paano kasi matangkad, macho, guapo pa. Ibang babae na nakakakita o nadadaanan namin ay nagpapa-cute sa kan'ya. "Halika na sa loob ikaw na na lang ang hinihintay namin. Bakit ba ang tagal mo? 'Yun si Samuel kanina pa siyang sabik na sabik kang makita. Alam mo naman siya stick to the bone na yata ang walang sukong panliligaw sa'yo." Nakangiting sabi ni Andy sa akin. "Tumigil ka nga sa kakadakdak mo, sayang lang ang dream ng mga kababaihan sa taglay mong kagwapuhan," tudyo ko sa kan'ya. Sabay kaming tumawa at pumasok sa loob ng restaurant, nakita kong nakangiting sa akin ng tagumpay si Samuel ang laki kasi ng ngiti. He looks more handsome ngayon. After two years malaki talaga ang pinagbago niya mukhang alagang gym ang katawan. "Hello, Sam ka sorry I was late," I said tumayo siya sa tabi ko. "It's okay, Crystal. It's been two years, how are you?" she asked me and I smiled at him. "I'm great. As usual doing fine. How about you? How's your life in Australia?" I asked him. "It's fine, but iba pa rin dito sa pinas. Marami akong na miss dito," mga mata niya ay sa akin. "Have a seat," hinila niya palabas sa mesa ang silya para makaupo ako. "Thank you," I said. Maya-maya ay nagsipagdatingan ang iba naming kaibigan. Habang si Andrew ay walang tigil sa kakatanong kay Samuel, kung ano ang ginawa sa loob ng dalawang taon sa ibang bansa. Kung hindi lang talkative itong si Andy kung 'di ka masanay ang tao sa kadaldalan niya ay sure na magkasakit ang tenga mo sa kan'ya. Akala mo naman na may sampung microphone kung magsalita. Pinalo ko sa balikat si Andrew. Nagulat siya napaawang ang kanyang labi sa gulat. "Andrew, tumayo ka nga. Kanina sabi mo sa akin ako na lang ang hinihintay niyo. Then look, Now pa lang dumating sila Lea at Kathy." Sabi ko. Tumawa lang sa akin ang bekeng saksakan ng gwapo na bakla lang. Pagdating nina Lea at Kathy ay sinalubong agad namin sila. As usual ang pinaka-sexy samin na tropa ay si Lea. Ang pinaka-fashionista ay si Kathy. Masaya ako na may mga kaibigan akong tulad nila. Anak silang lahat ng mayayaman ito ang tinatawag na mula sila gintong kutsara ng bawat isa sa kanila. Hi, Samuel," sabay bati nila Lea at Kathy, binati rin ni Sam. "Don't tell me na you are a still single, ni isa sa mga Ausies wala kang natipuan." Sakristong sabi ni Kathy. "Oo nga naman, Sam akala ko may iiuwe kana na dito na foreigner." Tudyo naman ni Lea at tumawa kaming lahat. "Alam naman niyo guys, she still inside my heart." Mahinang sabi ni Samuel at titig na titig sa akin. Bigla kung iniba ang usapan namin. "Better pa na mag-order na tayo," sabi ko dahil baka abutin kami ng gabi kung 'di ako nag-suggest sa kanila o-order na kami. Bawat isa sa amin ay nag-order as usual ang order ko ay hamburger smoke with barbeque sauce. Until now 'di pa rin nagbabago si Lea vegetarian parin sobrang strict niya pagdating sa pagkain. Kaming apat ay food is life nobody's care kung puro may fat ang pagkain namin. Because we are not lazy every morning na mag-jogging. Bahagyang nagsalita si Samuel after namin omorder sa waiter. "So what's your plan Crystal? Mag-a-apply ka ba or sa sarili n'yong company? If you want I can hire you to be my secretary, actually I need a fresh and new secretary ngayon." Nakangiting ani ni Samuel sa akin. Hindi agad ako naka sagot sa tanong niya sa akin. Dahil hinihintay ko pa rin kung ano ang gusto ni daddy. He promise me na ipapasok niya ako sa company niya. "Bruha! Ano ka ba opportunity muna na maging sexy secretary ka ni Samuel 'wag mo nang sayangin pa. Kung ang gusto pa rin ng dad mo ang lagi mong iniisip walang mangyayari sa'yo girl." Maarteng sabi ni Andrew sa akin at nakataas ang isa niyang kilay. "Oo nga naman, Crystal why not na mag-apply ka sa kompanya ni Samuel. I'm sure na mataas ang sahod mo sa kan'ya. 'Di ba Sam?" Kinindatan niya si Samuel habang ang kanyang mata ay sa akin. "Pag-iisipan ko pa yan." biglang nalanta ang mga mukha ng kaibigan ko sa sagot ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang mga order namin. Masaya kaming kumain at nagbibiruan kami habang kumakain. Kami lang yata ang maingay sa loob ng restaurant. Nang matapos na kaming kumain ng meals namin nag-order kami ng dessert namin. Ang pinapili namin ng deserts ay si Samuel. "Sam, ikaw na ang bahala sa deserts natin. So ikaw ang pipili." Utos sa kan'ya ni Kathy. Ang ini-order ni Samuel ay Lemon tart and and vanilla ice cream. Napa-wow ako dahil he still remember this is my favorite dessert maliban sa brownies. Habang wala pa ang desserts na order namin ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako sa ladies room. "Excuse me guys," 'di pa ako tapos magsalita ay tinanong agad ako ni Andrew. "Saan ka pupunta?" tanong ni Andrew. "Maghahanap ng asawa," sagot ko at tumawa silang lahat sa sinabi ko. "For my first time na narinig ko sa bibig mo 'yan Crystal. Totoo ba ang narinig ko?" tudyo niya sa akin. "Haler! Ladies room lang. Baka gusto mong mag-retouch halika samaka," anya ko. "Later nalang," he said. Naglalakad ako papunta sa comfort room, na bigla akong tawagin ng security guard at may kasamang lalaki na nakasuot ng white polo at khaki na kulay ng pantalon nito. "Miss, sa inyo ba ang mini Fiat na sasakyan sa parking?" tanong ng lalaki sa'kin. "Yes, po sa akin may problema ba?" tugon ko. "Kasi ma'am mali po ang pag-park mo. Naharangan mo ang car ni boss." The man said to me, and he looked seriously at me. "Okay, but I have to go to the comfort room first," I said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD