Kimberly’s Point of View “What is this?” Padabog na inilapag ni kuya Reid sa center table ang mga pictures. Napanganga na lang ako nang makita kung sino ang mga nasa pictures. Binalot din ako ng matinding kaba dahil galit si kuya. Halatang-halata na galit siya. Alam na ni kuya Reid. Pinasundan niya ‘ko ng hindi ko alam! “Kuya.” “Kimberly, kailan ka pa natutong magtago sa akin?” Napayuko ako. Alam na ni kuya... Hindi na ‘ko pwedeng lumusot. Mas lalong mag-aalboroto si kuya Reid kapag nag-alibi ako. Isa pa naman sa pinakaayaw ni kuya ay ang pagdadahilan. “Kuya Reid, I’m sorry.” ‘Yon na lang ang nasabi ko. Nakukunsensya ako. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ng diretso. “I knew it. Kaya pala, Kim!” Napatayo siya at napahinga ng malalim. Halatang nagkokontrol siya ng g

