Wednesday morning. Napaka-nostalgic lang. Isang live show na naman kasi ang nasaksihan ko sa field. Noong unang beses akong naka-witness ng gulo eh kasama ko si Sandy. Maraming estudyante ang nagku-kumpulan. Napakaaga naman para gumawa ng eksena dito. Sino kaya ang nagtatalo ngayon? Dadaanan ko na lang sana ang palabas na 'yon pero nakarinig ako ng mga pamilyar na boses. “Mag-sorry ka sa kanya!” That voice. Si Denise ‘yon! “You don’t even know what happened so don’t tell me what to do!” and that’s Hyrie! Agad akong nakisiksik sa mga tao para makita kung tama ba ang hinala ko. Nakaramdam ako ng kaba. Siksik lang ako ng siksik hanggang sa mapunta na ‘ko sa pinakaunahan. Tama nga ang hinala ko. Si Hyrie at Denise nga! Anong nangyayari? Nasa gitna sila. Narito din si Shamielle na nakahawa

