“Jusko naman, kuya Reid! Hindi naman ako nag-abroad para hingian mo ng pasalubong!” reklamo ko kay kuya Reid habang kausap ko siya sa cellphone. Dali-dali akong lumabas ng condominium at pumara ng taxi. Hala talaga! Late na ‘ko nito! “Please, Kim? I’m craving for chicharon. ‘Yong may laman, ha. Mga tatlong balot, pwede na para hindi bitin.” I groaned. “Kuya naman! Late na ‘ko parang awa mo na! Mamaya ka na mag-demand ng kung anu-ano!” I retorted. Nakakalimang taxi na ‘kong pinapara pero hindi ako hinihintuan. Iyong totoo? Ayaw niyo ‘kong pasakayin mga manong? Malei-late na talaga ako! I heard him chuckle on the other line. Si kuya talaga! “Bakit kasi ‘di ka nagdala ng kotse sa condo? Hindi ka parin nakakasaka—” Hindi ko na naintindihan ang sunod na sinabi ni kuya. Paano ba naman ay

