Tumahimik ang paligid sa sinabi ni Hero. Tanging ang mabilis at marahas na t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Inaasahan ko na ang mga ganitong komprontasyon pero hindi ko pa din maiwasang kabahan lalo na’t alam kong galit na ang kambal ko. Nasa likod ako ni Hyrie habang nagkakasukatan sila ng tingin ni Hero. Nararamdaman ko dito sa pwesto ko ang matalim na titig ng kapatid ko sa kanya. Samantalang si Hero naman ay walang kabuhay kabuhay kung tignan ang kambal ko. “Girlfriend? Kailan ka pa natutong mag-girlfriend, Hero? Baka fling dapat! And how come that my sister became your fling, huh?” sarkastiko ang pagkakasalita ni Hyrie. Hindi siya makapaniwala. Pareho lang kami! “I said girlfriend, not fling. Do you think Kimberly is the kind of woman that I will just play with? I respect

