Chapter 12 - Win

3596 Words

Halos bahain ang kama ko kaka-iyak. Hindi ko matanggap. Ang sama ni Hero. Paano niya nasabi ang kahihiyan na ‘yon sa harap ng lahat? Hiyang-hiya ako sa mga kaibigan niya, sa Montesilva girls at kay Sandy. Ang dami naman pwedeng sabihin, ‘yon pa talagang part na ‘yon! Ang sama niya! Kumuha pa ako ng tissue sa gilid ng kama at tahasang siningahan iyon. Kaasar! “Kim, let’s talk.” rinig kong sabi ni Hero sa labas ng kwarto ko. Let’s talk niya mukha niya! Pagkauwi ko kanina ay nagkulong na agad ako dito sa kwarto. He followed me all the way here. Kanina pa niya ‘ko kinakatok pero ayoko siyang makausap. Pinagtawanan ako ng mga kaibigan niya kanina. Mali, hagalpak na pagtawa ‘yon! Kumukulo ang buong kalamnan ko pag naaalala ko ang nangyari. Narinig ko ulit ang pagkatok niya. Bwisit siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD