Third Person's Point of View “Kuya! Kuya Hero! Lumabas ka nga dyan sa lungga mo! Si ate Hyrie, nasa baba!” Sigaw ni Yshnaira mula sa labas ng kwarto ni Hero. Napatingin siya sa nakasaradong pinto. Si Hyrie? Bumangon siya sa kama at iniwan ang laptop na kanina pa niyang ginagamit. Naglakad siya papuntang pinto at pinagbuksan ang nangangatok na kapatid. “Hyrie is here?” Pagkukumpirma pa niya sa kapatid dahil baka pinagloloko na naman siya nito. Tumango si Yshnaira. “Oo nga! Wala ka bang tiwala sa akin, kuya?” “Wala.” “Sama mo!” Sumimangot ito. “Bibigyan mo ‘kong pera pangdate kapag nakita mo siya sa baba, deal?” “Bawal.” wika niya at nilagpasan ang nakababatang kapatid. “You’re so cruel, kuya Hero!” Bumaba siya ng hagdan at hinayaan ang pagrereklamo ng kapatid niya. Hindi nga si

