Third Person's Point of View Mahigpit ang pagkakahawak ni Hero sa pulsuhan ni Kim. Tapos na. Ubos na talaga ang pasensya niya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung paano humantong sa ganito ang lahat. Ramdam niya ang pagpupumiglas ng dalaga ngunit wala siyang pakialam. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa dalaga habang hinihila ito papasok ng elevator. “Hero, ano ba! Nasasaktan ako!” Reklamo nito nang magsara ang elevator. Nanggigigil niyang pinindot ang buton para sa tamang floor. Hindi niya pinansin ang mga reklamo ni Kimberly. Naiinis siya, o nagagalit. Hindi na niya alam. “Hero! Bitawan mo sabi ako!” sigaw ni Kimberly sa kanya. “Shut up, Alvedo!” Napapikit siya at pinilit na kontrolin ang emosyong kumakain sa sistema niya. “Ano bang problema mo?!” Hasik pa ng d

