Kabanata 3 - Target

1647 Words
Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng gano’n. Sa ibang bansa kapag nag be-beach ka mas maraming gano’n ang makikita mo. Sa unang tingin pa lang ay masusukat mo na ang size. Pero ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay ito ang unang beses na nakakita ako ng ganoon kalaking umbok. Ayos lang sana kung hindi niya ako nahuli. But he caught me looking down there! Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Hindi na ako magtataka kung bakit gano’n. Napuyat ako kagabi kakaisip sa umbok. Napabuga ako ng hangin nang muli na namang sumagi sa aking isipan ang kahihiyang nagawa ko kagabi. Good morning, Miss Marga. I already prepared your breakfast. Eat well. :) Ang sticky note na nakadikit sa refrigerator ang unang dinapuan ng aking tingin pagkapasok ko ng kusina. Matamis ang naging pagngiti ko. Nikolai again, prepared me something to eat. Kumuha lamang ako ng gatas sa ref at nagsalin sa aking baso bago ako naupo sa lamesa upang simulan ang aking agahan. Pagkabalik ko sa aking kwarto ay kinuha ko agad ang aking cellphone. Umupo ako sa gilid ng kama at doon nagtipa ng mensahe para kay Nikolai. Thank you for the breakfast. :) Sana next time samahan mo na ako. Nakakalungkot mag isa sa dining table. :( Ilang sandali akong naghintay sa reply ni Nikolai pero walang dumating. So I decided to take a shower na lang. Nang natapos ay dinungaw kong muli ang aking cellphone to check if he replied. Happy to serve you, Miss Marga. Napasimangot ako. Iyon lang ang reply niya? Tapos, wala pang smiley. Tss! Ibinaba ko na lang ang cellphone at hindi na nag reply sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinaramdam sa akin ni Nikolai na wala lang ako sa kanya. And that he was just treating me nice and with respect because of my father. Pero hindi pa rin ako nasasanay o nadadala. I am still hoping. Umaasa akong kahit kaunti ay maramdaman kong may nararamdaman din siya sa akin. I just wore a white sweetheart top, black blazer and a black jeans with my boots. My hair is in a high ponytail as I put a light make up on my face. Nang nakuha ko na ang gusto kong kulay ng aking mukha ay kinuha ko ulit ang aking cellphone and I typed my message for Nikolai. I’m going to the hideout. Samahan mo ako. I prepare my things at agad na akong bumaba ng bahay. Naabutan kong nagdidilig ng mga halaman ang may ari ng bahay na nasa tapat ng aking bahay. Tumigil siya sa pagdidilig at agad na umangat ang gilid ng kanyang labi nang nakita niya akong palabas ng gate. "Good morning," may pilyong ngisi sa labing bati niya. Our first encounter wasn't good. The second encounter was f*****g not good also. And today is the third. I just hope… Napabuga ako ng hangin. "Good morning," tipid kong sagot bago ko siya tinalikuran upang i-lock ang gate. Pagharap kong muli ay nilingon ko siya ulit. And damn! Why is he wet already? Umawang ang labi ko habang hinahaplos ng aking mga mata ang katawan niya. Nakasuot siya ng puting muscle tee at naka-beach shorts. He's sporting it like he's kind of a magazine model. Bumaba ang paningin ko sa abs niyang klarong-klaro dulot ng pagkakabasa. It's not six but eight! Wala sa sarili kong nakagat ang labi ko. Why the hell am I acting like this? This is not my first time! Ang dami ko ng nakitang ganito sa ibang bansa. Pero ewan ko ba at parang iba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito. Nahahatak niya talaga ang mga mata ko. Picturesque. Napakaganda niyang larawan. Bababa na sana ang mga mata ko, buti na lang at napabalik ako sa mukha niya. Only to see his brows rising. Napapaypay agad ako sa aking mukha gamit ang aking kamay. It's not yet summer pero parang ang init na agad. Tumikhim ako. Gano'n rin siya. Hindi ko alam kung ginagaya niya ako o talagang tumikhim siya dahil may nakabara sa lalamunan niya. "Shopping?" he asked. Tumaas ang isang kilay ko. Tinatanong niya kung mag s-shopping ba raw ako. And I don't know why he's asking me, gayung hindi naman kami close. Or baka naman talagang palakaibigan lang siya? Is it necessary? Ganito ba sa Pilipinas? Sa pitong taong wala ako dito… Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang mga dapat kong alamin sa bansang ito at sa mga taong nakatira rito. "No. I—" Bago ko pa man matapos ang aking sinasabi ay may huminto ng itim na sedan sa aking harapan. Blocking my neighbors view. Nakita kong bumaba si Nikolai sa driver's seat. Nagdiretso siya sa back seat at agad akong pinagbuksan. "I'm sorry natagalan…" paghingi niya ng paumanhin. Tumikhim ako bago ko nagawang itulak ang sarili papasok ng sasakyan. Nang naupo ay agad na lumipad ang paningin ko sa aking kapitbahay. Seryoso siyang nakatingin kay Nikolai na pasakay na sa driver's seat. Pagkabuhay ng makina ay agad siyang naglipat ng tingin sa akin na nakaupo sa likuran. Kunot ang noo at diretso siyang nakatingin sa akin, despite of the tinted window of the car. Muli akong tumikhim at sumandal saka ko itinuon ang buong atensyon ko sa harapan nang nagsimulang tumakbo ang sasakyang lulan ako. "This is your first time there…" Napatingin ako kay Nikolai. His eyes were fixed on the road. Hindi ako nagsalita. "Are you sure you're going to the hideout?" "Yeah. Gusto kong makita." Tumango lamang si Nikolai sa sinabi ko. Hindi naging matagal ang aming byahe. Pumasok kami sa isang matayog na gate kung saan may apelyido kong nakaukit sa pinakaitaas. Using the automatic, ibinaba ni Nikolai ang bintana sa aking tabi. The four armed men who opened the steel gate saw me which made them immediately bow their heads for respect. Halos tatlong kilometro pa bago tuluyang marating ang nasabing hideout. Huminto ang sasakyan malapit sa bulwagan. Mabilis na bumaba si Nikolai upang pagbuksan ako ng pintuan. Pagkababa, ay agad kong inilibot ang aking paningin. It's an abandoned spanish style mansion. This is my ancestral house. "This way, Miss Marga." Iginiya ako ni Nikolai papasok. May dalawang armadong lalake na nakatayo sa magkabilang gilid ng bulwagan ang agad na yumuko pagkakita sa akin. Dire-diretso kami papasok ni Nikolai at agad kong nakita ang tila daan-daang kalalakihan na umuukopa sa napakalaking sala. Sa tatlong palakpak na ginawa ni Nikolai ay agad akong nilingon ng lahat. Just like what the other men outside did, the people here also bow their heads. Napalunok ako. I can't imagine how Nikolai maintained what daddy had founded. Bumalik sila sa mga ginagawang pagsusugal nang nagpatuloy kami ni Nikolai sa paglalakad. Ngayon, ay ang daan patungo sa engrandeng hagdan ang aming tinatahak. "Dito sila nakatira?" tanong ko habang umaakyat. "Some of them. Hindi naman araw-araw ganito. Ngayon lang marami, dahil sinabi kong pupunta ka." Huminto ako sa paglalakad nang makarating sa pinakaitaas. The big portrait of my parents were hang in there na tila sinasamba araw araw ng mga tao dito. Muli akong nagbaba ng tingin at nakitang may mga serbedura pang nag se-serve ng mga pagkain at inumin. They were all like normal people in my eyes. Kung hindi ko lang nakikita ang mga armas nila ay iisipin ko ngang gano'n. "Let's go?" muling pagkuha ni Nikolai sa aking atensyon. Tumango ako at sumunod ulit sa kan'ya nang nagsimula ulit siyang maglakad. There were so many rooms in the hall. May isang hinintuang pintuan si Nikolai at agad iyong binuksan. Agad akong nalula sa dami ng mga armas na aking nakita. I only know a few and the rest were very new to me. Muli kaming lumabas. May isang naka-lock na pintuan sa pinakadulo na mabilis na binuksan ni Nikolai. "And dito nakalagay ang lahat ng kayamanan mo, Miss Marga," seryosong sabi ni Nikolai at saka niya ako muling iginiya sa loob. Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Nakahilera ang ilang libong kulay asul na pera sa pinakagitna ng napakalaking kwarto. Sa dulo ay naroroon ang magkapatong-patong na mga gold bars in pyramid shaped. "Magkano ang lahat ng 'yan?" "The last time I checked, that's three hundred billion excluding the gold bars, Miss Marga." "f*****g s**t," naibulalas ko gamit ang malamig na boses habang nakatingin ako roon. Hindi ako makapaniwalang ganito ako kayaman. Na halos pwede ko ng higaan ang lahat ng perang narito. "Are you okay, Miss Marga?" tanong sa akin ni Nikolai. Tumango ako nang hindi inaalis ang paningin sa mga pera. "Are you sure this is ours…" tanong ko, hindi pa rin makapaniwala. "Yeah…" Naglakad si Nikolai patungo sa safety vault na nasa likod ng mga gold bars. "And this is where the documents are," aniya. Tumango ako. "Thank you, Nikolai." Ibinigay niya sa akin ang mga susi. "Now that you saw everything. Ibibigay ko na ito sa iyo. Ikaw dapat ang may hawak nito, Miss Marga," sabay ngiti niya sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti rin pabalik kay Nikolai. Muli kaming lumabas ni Nikolai at ini-lock ang kwartong iyon. A man, I think my age approached us nang nakita nito ang aming paglabas. "Sir, Nikolai…" "Flint, anong balita?" agad na tanong ni Nikolai kay Flint. "Totoo po… Totoong pinatay nila sina Raul at Peter." Kumunot ang noo ko. I didn't clearly understand what they were talking about. I didn't know Lester or Peter. Tao ba namin sila? Are they part of this organization? At sinong tinutukoy nilang pumatay sa mga ito? Huminga ng malalim si Nikolai bago ako tinitigan. Before I utter a word for a question ay naunahan na niya akong magsalita. "They're back… I'm sure nalaman nilang umuwi ka ng Pilipinas, Miss Marga." Kumunot ang noo ko. "Who are they?" "The people who killed your father… At ngayon ay ikaw naman ang target nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD