Amory's point of view Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Simula nung mag birthday ako noong isang araw ay tila kakaiba na ang mga nangyayari sa paligid. Para bang sa twing gigising ako ay may kaakibat na misteryo na dumadagdag at patuloy nitong binabalot ang pagkatao ko. Hindi ko na alam anong gagawin, nababaliw na ata ako. Nasan naba kasi si mama. Sa tingin kong mas nakakabuti kung nandito siya. Meron ba siyang tinatago sa akin? Sa pagkatao ko? Ano ba talaga ako? Biglang pumasok sa isip ko ang mga ala ala ko nung ako'y bata pa. Ni isang kakilala ay walang pinakakilala sa akin si mama. Sa tingin ko ay iba kami sa ibang magpa pamilya. Ang sa akin ni mama ay pulis silang dalawa ng tatay ko at namatay ito sa isang bakbakan. Wala rin akong maalalang may pinakita sakin si mama na

