Vesta's point of view ______________________________________ "Vesta! Kayo nalang muna ni Amory. Mag uusap lang kami ni Aspen," sagot ni Clay sa amin kaya tumango naman ako dahil alam ko na anong gusto niyang ipahiwatig. Hinila ko na si Amory papunta sa pool at nag mamadali kaming pumunta dun. Sana nga... Sana nga tama ang hinala ko na isa ka sa amin Aenon. Sana ikaw nga ang elemento ng tubig. Dahil kung talagang ikaw yun, Hindi na kita pakakawalan pa ulit. "Ay grabe sobrang excited naman! Mababali na ang braso ko girl!" Reklamo ni Amory sa sobrang higpit ng pag kakahawak ko sa kaniya. "Sorry!" Paumanhin ko nang tumigil kami sa pag takbo. "Saan ba natin siya hahanapin?" Tanong nito sa akin habang patuloy kami sa pag lakad takbo. "Hindi ko alam eh pero malakas ang kutob ko na

