Capitulum 3

2009 Words
Nagising si Amory alas kwatro ng madaling araw. Hinihiling niya na sana panaginip na lamang ang mga nagyayari kahapon. Na sana sa kaniyang pag gising ay makita niya ang kaniyang mama na nagluluto ng almusal at nag aantay sa kaniya sa hapag kainan. Pero nagising siya sa loob ng kaniyang hotel room. Naalala niya na naman ang mga nangyari. Ilang beses siyang huminga ng malalim pilit na pinoproseso sa kaniyang utak ang kanyang mga katanungan. Naalala niyang muli ang container na pinakuha sa kaniya ng nanay niya. Curiosity creeped into her at atat na atat siyang mabuksan iyon. Sabi ng ina ay huwag itong ipakita at ipagsabi sa iba. Bakit ganun na lamang iyon kung ingatan ng kaniyang ina at kailangan pa itong ilagay sa vault. This might be really important. She became more curious about it. She grabbed it and examined the whole container. Napansin niya ang pagkapulido ng pagkakagawa nito na tila dinesenyo upang pagtaguan ng mga mahahalagang bagay. "Ano kayang pwedeng maging laman nito? A treasure map?" Napaisip siya na baka isang treasure hunter ang kaniyang ina kaya limpak limpak ang pera na itinatago nito. Maaring mapa iyon kung saan nakatago ang isang malaking baul ng kayamanan. Kaya ba nagtatago ito dahil may nagtatangka sa buhay nila? Mababaliw na ata siya sa kaniyang iniisip. Para sa kaniya ay hindi na uso ang pagbabaon ng kayamanan sa lupa ngayon. Nilaro laro na lamang niya ang container when she found something unusual. She saw diagonal lines. Kung sa iba ay random lines lang ang mga iyon, for her its a pattern. She remembered that her mother used to teach her how to use codes. "Maybe it's a code!" Usal niya sa kaniyang sarili. Inaral niyang muli ang mga linya at pilit na inaalala kung anong klaseng codes iyon. "Tama! Tom code!"  Agad niyang kinuha ulit ang container at pinag aralan muli ang ang mga linya. Hinalungkat niya ang kaniyang bag at kumuha ng isang pirasong papel at ballpen. Sinulat niya ang mga iyon para mas madali niya iyong ma decode. // /// / /// / / / / // / O P E N S E S A M E "Open sesame!" Sigaw nya sa kanyang sarili pero nagtataka padin siya kung bakit hindi bumubukas ang container. Muli niyang kinalikot ang cylindrical container at may nakita siyang maliit na na button. Sobrang liit nun at hindi mo makikita agad kapag hindi mo pagtutuunan ng pansin. Sinubukan niyang pindutin iyon at biglang na lamang iyong umilaw. Sa isip isip nya na baka para itong voice recorder at kailangan mong sabihin ang password para gumana at maunlock ang container. "Open sesame," Sabi niya sa pinaka klarong boses. Parang may nag click at biglang bumukas ang cylindrical container. Nang buksan niya iyon ay mas nagluhan siya sa kanyang nakita. "A cryptex? Anong gagawin ko dito?" Alam niya kung ano iyon dahil madalas niya iyong nakikita sa bahay ng lolo niya. Naikwento ng lolo niya kung ano iyon at kung paano iyon gamitin. A cryptex is a portable vault used to hide secret messages. Meron itong 9 disk na marble. Kada disk ay naglalaman ng letra ng buong alphabet. The disk can be rotated independently to form a word that serves a password. Mas nadismaya lamang siya because it means she needs to c***k another code to get what's inside the cryptex. Her head feels like bursting anytime. May nakita siyang maliit na papel dun na naka roll. Marahil iyon na Ang clue para sa password. Maingat niyang binuksan iyon at hindi nga siya nagkakamali. The code contains 3 digits per character with a s***h that serves as letter seperator. Napabuntong hininga na lamang siya at binalik sa cylindrical container ang cryptex at maingat na sinara ulit iyon kasama ang maliit na papel. Napagpasyahan na niyang maghanda para sa pagpasok. Sinubukan niya muling tawagan ang numero ng kanyang ina pero hindi padin ito nako-contact, kaya nagtungo na lamang siya sa comfort room para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay natagawag na lamang siya ng ng room service para sa kaniyang agahan. Habang nagsusuklay ng kaniyang buhok ay narinig na niya ang katok ng room boy. "Ma'am ito na po yung inorder nyo," bungad ng room boy nang buksan niya ang pinto. "Salamat po," Tugon niya dito at bahagyang ngumiti saka nag abot ng tip. Tahimik na kumakain si Amory habang nililibre ang kaniyang utak sa pag iisip ng nga bagay bagay. Sa ngayon ay hindi niya pa naiintindihan ang lahat pero isa lang ang pumapasok sa isip niya. Kailangan niyang maging handa para sa mga susunod na mangyayari. Natapos na niya ang paghahanda kaya lumabas na siya sa kaniyang hotel room habang dala ang room key. Kailangan niyang ingatan iyon dahil nandun ang pera at mga gamit niya. Iniisip niya na maghanap na Ng bagong malilipatan na bahay o kahit bed space o boarding house, masyado kasing mahal ang araw sa loob ng hotel. Marami mang iniwan na pera ang nanay niya, ngunit kailangan niya pa rin mag ipon dahil hindi niya alam kung gaano siya katagal mamumuhay mag isa. Naiiyak na naman siya habang iniisip ang kanyang ina. Miss na miss na Niya ito at sabik na siyang makita ito ulit. Iwinaglit niya sa kaniyang isipan ang mga iniisip. Tumawid na siya at nag antay na ulit ng bus. Habang nakaupo ay nakikinig lamang siya ng music sa kanyang cellphone habang nakasampak ang earphones sa magkabilang tenga niya. Huminto na naman ang bus sa sumunod na bus station at nakita niya namang sumakay ang lalaking nakatabi niya kahapon. Naghahanap ito ng pwedeng maupuan, nilampasan siya nito at umupo ang lalaki sa bandang dulo ng bus. Hindi nakatakas sa pang amoy niya ang bango nito. She's still asking herself for his name. She didn't got the chance to ask for his name yesterday. Nakinig nalang ulit siya ng music sa kanyang cellphone habang hinihintay na huminto ang bus sa tapat ng skwelahan nila. Ilang minuto lang ay huminto na ang bus sa harap ng kanilang paaralan. Inayos na niya ang kaniyang bag saka tumayo na sa inuupuan. Habang papalabas sa loob ng bus ay hindi na naman nakatakas sa pang amoy niya ang bango ng lalaki. "Argh! Why does he smell so good?" Napailing na lamang siya at dumeretso na sa pedestrian lane, waiting for the traffic light to turn green. Ilang segundo pa ay tumawid na siya. Habang naglalakad siya sa hallway, she heard someone called her name. "Amory!" She looked back and saw her friend, Vesta. "Ano? Okay ka lang ba?" Inaasahan na niyang itatanong ito sa kanya. Ngumiti lang siya ng bahagya at tumango sa kaibigan. "Okay lang ako, wag ka na mag alala," Tugon niya sa kaibigan. "Ano ba kasi ang nangyari?" Usisa ni Vesta sa kaniya. "Mahirap ipaliwanag eh dahil ako mismo naguguluhan din. Hindi ko rin alam ang mga nangyayari pero nag text si mama kahapon, Ang sabi niya ay lumayo layo daw ako dahil nanganganib ang buhay naming dalawa," Mahabang paliwanag niya sa kaibigan. "Hala! Eh pano kana nyan? Wala ka bang kasama? Oh pwedeng mapuntahan?" Tanong ni Vesta. "Bahala na," Wala sa sariling usal nito. Sabay silang pumasok sa pinto ng kanilang silid aralan kaya bahagya pa silang nagka banggaan. Naramdaman niyang muli ang mainit na temperatura na nanggaling sa katawan ng kaibigan. "Vesta, okay ka lang ba talaga? Napakainit mo," Tugon niya sa kaibigan nang makapasok na sila sa kanilang room. "What? Hindi naman ah? Baka guni guni mo lang yun, nilalamig kaba?" Balik tanong nito sa kaniya. Umiling na lamang siya at nagtungo nalang sa kaniyang upuan at inayos ang kaniyang mga kagamitan. The talked for awhile when suddenly the bell rang. As if on cue, pumasok sa loob ang kanilang guro na si Ms. Plarisan. She automatically felt intimidated by her presence. Ayan na naman ang kanyang aura, fiery red lipstick, at ang tunog ng kanyang heels na tumatama sa sahig. The class went silent until the end of the discussion. Wala na ring ibang ginawa si Amory kundi ang makinig na lamang sa kaniyang guro. That's what she did until the end of her subjects in that morning. Nang mag lunch time na ay inaya siya ni Vesta na kumain sa cafeteria ng school. She just said yes right away because she's still pre occupied. Atat na atat na siyang umuwi para ma decode na niya kung anong sagot sa cryptex. Nagpahila na lamang siya sa kaibigan at dinala siya nito sa table na malapit sa entrance. Nakapaghalumbaba na lamang siya sa mesa at kalaunang binaon ang kaniyang ulo at akmang iidlip. "Uy, di kaba oorder? Gusto mo ba ako na mag order para sayo?" Tanong ng kaniyang kaibigan. Inangat niya saglit ang kaniyang ulo at bahagyang napakamot sa batok. "Okay lang ba sayo na magpasama ako? Ililibre nalang din kita," wika niya sa kaniyang kaibigan. "Talaga ba? Sure!" Sagot ni Vesta. Agad niyang kinuha ang wallet sa bulsa niya at kumuha roon ng pera. "Kung anong sayo, ganun nalang din ang sakin," Sabi niya dito. "Okay!" Wika ng kaibigan niyang malapad ang ngiti at agad na tumalikod sa kaniya at naglakad na papunta sa pila. Muli niyang isinubsob ang ulo sa mesa. Bukod sa tamad siyang um-order ay ayaw niya ring pumila dahil napagod siya ngayon. Wala naman siya gaanong ginawa pero nagtataka sya kung bakit ganoon nalang ang pagod niya. Marahil ay sa dami ng bumabagabag sa kaniyang isipan kaya wala siya gaanong gana na magkilos. Almost ten minutes had passed bago nakabalik sa table niya ang kaibigan, nakangiti ito ng malapad at kita na naman ang magagandang ngipin nito. Napansin niya ring mapula ang tenga at pisnge nito. "Bakit?" Tanong niya sa kaibigan na animo'y parang timang na kinikilig. "Nakita ko yung crush ko kanina! Nakasunod ako sa kanya omg!" Bahagya siyang natawa sa inasta ng kaibigan. "Sino naman?" Tanong niya ulit dito. "Si Aenon!" Mahinang bulong nito sa kaniya at nag impit pa ng tawa na parang kinikilig. Sinundan niya ang tingin ng kaibigan at nakita niya roon ang lalaking palagi niyang nakakasabay sa bus. "Ah, palagi kong nakakasabay sa bus yan" "Talaga ba? Aish parang gusto ko na ring mag bus! Badtrip kasi hinahatid sundo ako lagi ni ate amp," reklamo ng kaibigan. "Sinong ate?" Usisa niya dito. "Ah, di ko pa pala nasasabi ate ko si Ma'am Plarisan, hindi kami magkapatid pero magpinsan kami. Sa kaniya kasi ako hinabilin dahil parehong nagtatrabaho sa abroad mga magulang ko. Hindi kami nakatira sa iisang bahay pero magkapit bahay naman kami," wika ng kaibigan niya. Napansin niya ang pagiging madaldal nito. Natatawa siya sa naiisip dahil isa lang naman ang tinatanong niya but she almost tell everything to her. Napatango na lamang siya at napapailing na tumatawa sa kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagkain nang bigla na naman itong nagtanong sa kaniya. "So, saan kana tutuloy ngayon?" Usisa nito sa kanya. "Nag check in ako sa hotel at last day ko ngayon, balak kong maghanap ng bed space or boarding house oh kahit saan na pwede kong matuluyan pansamantala," sagot niya rito. "If you won't mind, we have extra rooms in our house. Ako lang kasi mag isa dun kasi nga diba nasa abroad mga magulang ko. You can stay there for free! Sige na Amory para may kasama ako sa bahay," Sabi ng kaniyang kaibigan. Nate-tempt sya sa alok nito pero masyado ring nakakahiya iyon dahil dalawang araw palang silang magkakilala pero makikitira na siya doon. "Nako, nakakahiya naman sayo Vesta." Nag aalangan niyang wika. "Okay if you feel shy, you can pay for your rent. Para ka nading nakatira sa boarding house. So deal?" Napaisip siya na magiging mas convenient nga para sa kaniya ang ganung set up. Para naman may kasama siyang kakilala. "Sige, hahati narin ako sa gastos sa pagkain at bills," tugon niya rito. Tumango lamang ang kaniyang kaibigan at nag thumbs up pa habang nagpapatuloy ito sa pagkain. Atat na atat na talaga siyang makauwi, she already want to decipher the code in that crytex. Hindi na siya makapag antay kaya naman binabantayan niya lang ang oras buong maghapon. ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD