Amory's point of view ______________________________________ Isang buwan na rin ang dumaan simula nung nalaman ni Vesta ang tungkol sa katauhan niya. Naging mabuti naman ang kalagayan niya at hindi na siya madalas matakot. Bumalik na rin sa normal ang pakikitungo niya sa mga tao. Nung nakaraan kasi ay medyo ilag siya pero sa ngayon ay bumalik na ang dating Vesta na nakilala ko. Kasalukuyan kaming nag aayos ng mga gamit namin ngayon dahil recess na at plano naming kumain sa cafeteria. "Tara na!" Aya nito sa akin at inakbayan ako palabas ng room. Palabas na sana kami nang makita namin si ate Guiabsa labas ng room na tila hinihintay kami. "Oh ate anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kaniya ni Vesta nang makalapit na kami sa kaniya. "Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin," malamig na

