New transferre
Eya's pov
Pumasok na ako sa school. Maaga pa lang ay nagsimula na ako gumayak. Kaya't ito maaga ako nakapasok. Mabuti na rin iyon! Iwas sa mga gagawin ni Hailey. Tsk!
Pero nang pumasok ako sa classroom. Napansin ko yung lalake. Mukhang bago sya? tinignan ko lang sya hanggang makaupo na ako.
nagbasa lang ako dito at nagtahimik. After that nagpatugtog ako. Bored eh! wala pa naman si Clarice.
Tapos sina kuya, busy sa tagaytay! diko alam kung bakiy sila nandun. Kaya eto ako? nabobored! walang makausap!
" Hi leadernim! aga natin ah? " nagsulputan naman ang mga kagrupo ko. Kaya napatingin ako. " oo eh, kayo din napa aga din? "
" Hello sayo leadernim! Amissyo! " saad naman nung isa sakin. Eh? " Hello din sayo, di kita miss " saad ko kaya nagpout ito. Napaka cute!
" Magandang umaga mga kabarangay! " ayan ang maingay samin. Haha! Parang sunshine of the group lang? haha. " Ssh! Nagbabasa ako oh! " nagpeace sign lang sya.
" Ano bang meron satin dyan leadernim? " saad nila at umupo sa tabi ko.
" Eya? sino sya? mukhang wala syang pake satin! haha ." saad naman nitong kalapit ko. " diko rin kakilala pero parang transferre. "
Nagtahimik na din sila at kung ano ang ginagawa. Niyaya kona lang sila sa Practice room. Tutal maaga pa naman.
Katulad kahapon,
Nagpatugtog ako at sumayaw. Nabored kase ako kanina eh! Napa aga kase eh.

Mabuti na lang talaga at naka suot ako ng Pang Practice. Sina kuya naman walang alam sa talento ko! Ayun at nasa tagaytay.
Konektado ang practice room namin sa gymnasium. Na kung saan pwede nila makita ang sinasayaw namin. At maireply naman ito mamaya.
" Class may bago ulit kayong kaklase! Please introduce yourself? "
" Hi im Nathan Moncriano. 19 years old that's all. " matipid nitong saad. Okay?
Nga pala wala pa si Clarice! Papasok paba yun o hindi na? Hindi naman yun nalalate eh! Nako.
After nun nagklase na lang kame at nakinig na lang. Nandito si Hailey pero pag may kailangan ang studyante. Sa kanya lumalapit.
" Okay class Dahil P.E. ang subject natin. Tungkol naman ito sa Dance. But, Papakitaan muna tayo ng galawan nina Eya. " pag papaliwanag ni ma'am
" Leader nim may naiisip kana ba? " saad nito sakin. " Oo ako bahala! May speaker naman si Ma'am eh! "
" Tapos dapat sexy, ang sexy sexy mo ngayon eh! Yung damitan kase ni leader eh! " saad nito kaya natawa ako. Napa iling na laang ako!

" osya! Tara na sa unahan. Nag hihintay sina ma'am " saad ko at tumayo. Koninecct ko muna ang phone ko sa speaker.
Habang sila nag hihintay.
Tumugtog na ito at nang mag start. Ay sexy dance ang song. I put my hands in the air. A sexy one! habang papaupo.

narinig kona lang ang mga bulungan tungkol sakin. Yung iba pinagkukumpara kame ni Hailey. Ay ewan!
' ang galing napaka sexy! '
' Dina ata ako straight bes! '
' Ang ganda at sexy ni Eya tol! '
' Walang wala si hailey, walang binatbat haha! " see? As always. Mga nagchi chikahan sila. Nako!
After that ay nag recess na. Bukas na lang ipapaliwanag ni ma'am ang lesson. Kaya ito nasa canteen kame.
" Hi! Pwede makiupo? "
" Ah sure! Nathan right? " saad ko kaya tumabgo ito sakin. He sat and eat his food. Is he always like that? Anyways diko na sya pinansin at nakipag kwentuhan na lang.
Kumakain na naman din kame at the same time eh!
Nang magbell naman ay deretso classroom kame and after that. Excuse kame sa ilang subject. Mag wawarm up kame.
Well hindi pa naman event. Gaganapin pa yun sa susunod na buwan. Mag warm up pa lang naman eh!
hindi na din ako nagpalit nang damit. Nag eenjoy kase ako sa suot ko! Im looking hotter af! Char?! So anyways, practice lang naman eh.
Kaya after nun! umuwi na rin kame.
" Hoy bes! Nasan ka ngayon? Wala pang isang buwan, absent kana. Grabe ka! " saad ko. Tinawagan ko kase ang matalik kong kaibigan.
" Grabe ka naman eh! Nagka emergency lang. Wag ka mag alala papasok na ako bukas. " saad naman nito. Pag sinabi nya papasok at papasok talaga sya!
" Siguraduhin mo lang ha? " saad ko dito. " osya baba kona ito. May pupuntahan pa ako! " pag papa alam ko dito.
Narinig ko pa itong nag paalam.
Actually starbucks lang. Kape kape lang habang nagmumuni. Plus maulan pa! Kaya't masarap magkape ngayon.
Tambay na din muna ako. Medjo bored ako at wala magawa. Kaya tatambay na din ako!
" Grabe ang lakas ng ulan. Wag sana mawalan ng kuryente! " sobrang init kaya. Remember nung nasa bahay pa ako ni ate Gweynth!
Tinapos ko na ito at umuwi na din.
" Hi ma! Hi pa! " saad ko at hinalikan silang dalawa. " Your home, ba't ngayon ka lang umuwi? Anlakas lakas ng ulan oh! "
" Baka mapano ka nyan princess! " base sa tono ni Mommy. Nag aalala ito sakin!
" Ma, Dad. Don't worry safe po akong umuwi. " saad ko at nginitian sila. Lagi kase silang ma alalahanin! Porke't wala lang sina kuya?
by the way kamusta na kaya sila sa tagaytay?
" Osya sige na, mag bihis kana. Baka basa yang uniform mo! " saad ni Mom. Kaya tumango ako! " Yaya, labhan nyo po ito. Isusuot kopo ulit ito bukas. "
" Sige po ma'am! " saad nito sakin. Gustuhin koman maglaba. Di naman ako papayagan ni Mommy. Ayoko kase iasa sa mga katulong eh!
Dibale na nga!
Nag bihis na ako at binigay ang damit kay yaya vonel. Umupo lang ako sa kama at nag phone! Sakto pumasok si Mommy.
" Are you okay princess? " saad ni Mom at umupo sa tabi ko. " Im always okay Mom. No need to worry! " saad ko kaya ngumiti ito.
Hinipo lang ni Mommy ang buhok ko.
She always doing that to me. And she love that! Dahil dun ko talaga nararamdaman, na love talaga ako ni Mommy.
" Your really my princess! Manang mana ka kay Mommy. Ang bait mo! " sa sinabi ni Mom. I hug her! Masaya ako na nagawa ko ito sa kanya.
Ipadama kay mommy na mahal na mahal ko sya!
Aaminin ko, hindi madali ang mga nangyayare sakin. Pero tinangap ko ito! Because it's my responsility. At masaya ako dun!
Plus ako ang anak nila. At tagapag mana sa lahat na meron sina Daddy.
Kaya nang makita nila ako, nahirapan ako! Pero worth it! Nakita at nakasama ko ang tunay kong magulang. Nakakaiyak lang para sakin!
" Aba ako lang ba ang hindi love ni princess? " Lumingon kame ni Mom. And it's Dad! Nahuli nya kame ni Mom na magkayapos.
" Ofcurse dad! Love din po kita?! At alam yun ng buong mundo. Dito po kayo! Hug kopo kayo! " saad ko kay dad. Kaya ngumiti ito ng lapad!
kaya ngayon! Hug kona sila ni Mommy.
" Nga pala Mom Dad, Gusto ko po kayo makilala at ito po ang hindi ko nagawa nung una. I want to spend time with you po! Kaya pwede poba tayo lumabas? "
" That's it! At ang prinsesa namin ang nagsabi. Aalis tayo ngayon! " saad ni Mommy kaya ngumiti ako. Si Dad naman nakatayo na haha.
Excited lang po si Dad haha!
" Eh ang mga kuya mo? Paano sila? Baka magselos sila? " saad naman ni Dad. Tumayo ako at Niyapos ito sabay may sinabi ako.
" Dipo iyon! Iba po ang bonding namin nina Kuya. Kaya tara na po! " saad ko kaya ngumiti sila parehas. Diko alam pero love talaga nila ako!
" Let's go! " masaya na saad ni Mommy kaya Mag bobonding kame!
~~~~~ Mall
Nandito kame sa may Botique. Actually tumitingin lang ako. Hinatak lang kaya kame dito ni Dad ni Mom. Pero okay lang!
natuwa ako dahil dun!
May kinakahiligan pala si Mommy eh! Kaya ito tumitingin lang ako.
" Anak may napili kana ba, You want this? " saad ni Mom sakin. Nanlaki ang mata ko ng kinuha nya iyon. " Ah no Ma! Tinitignan ko lan po iyan. "
" Tinitignan lang ba anak? Base sa mata mo gusto mo itong bilhin? "
" Hindi po talaga Ma! Gusto ko man po talaga, pero nanghihinayang po ako sa pera natin. Ang mahal mahal po nyan! "
" Miss can we buy this? " saad naman ni Dad. Sumingit lang ito sa usapan namin! " sure sir! "
" Nice choice princess! " saad ni Dad sakin. " Oo po, pero diko po balak bilhin Dad eh! "
" Kung ang kinakabahala ng anak ko ang presyo. Don't be! Kakilala mo naman kung sino tayo right! " saad ni Dad. Wala naman ako nagawa!
Tinignan ko lang kase yung pendant. Tapos sina Mom and Dad binili para sakin. Ay!
' Sina Mr. And Mrs. Walcker yun diba? '
' Oo, pero sino naman kaya yung kasama nila? '
' Kung ako sa kanya dapat di ako dumidikit sa mga Walcker. '
' Hoy! Ano ba kayo, bali balita kaya anak nila yan! Nagbalik na. ' may nakapansin kase kina Dad. At nag bulungan.
Ito ang kinakatakutan ko eh!
Paano na lang kung malaman ng buong school? Patay tayo dyan?! Ang kaso ang kinakabahala ko lang.
Baka dagsain kame dito?! Andami pa naman humahanga sa Pamilya ko. The heck?!