(Dustine pov) Mahabahaba ang leave ko sa trabaho para makasama lang si Hayce at ngayon nakabalik na ako. "Mukhang masaya ka ngayon Dust aa. "Sabi ni Rhey na nagsusuot ng apron. "Syempre kasama kita ee. " Ngiting sabi ko. "Nako, nga pala si Hale nasa likod hihintayin ka daw niya ,usap daw kayo pagbreaktime mo na." Dagdag pa ni Rhey. "Bakit ang aga naman yata" Sabi ko. 8 am palang ee. "Paalis na kasi yang si Hale papuntang Chicago ,magpapaalam siguro. " Sagot ni Rhey kurot ang ilong ko. "Eh? O sige pupuntahan ko siya mamaya. "Sabi ko at inayos na ang buhok sa hairnet. "At tsaka Dust kahit sino sa kanilang magkapatid ang mapili mo ,well, panigurado seswertehen ka parin. Si Hayce kahit masungit yan,mabait yan. At alam kong si Hale kahit cold at seryoso yan,aalagaan ka niyan. Pareho

