(Dustine POV) Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko ang picture ni Hayce and his dad I think. Puro picture ng batang si Hayce at isang lalaking kahawig niya. Bakit kaya walang picture ng babae or nanay na. Nakahanda na ang umagahan pagbaba ko galing sa room ni Hayce. "Oh iha san na ang alaga ko?Kakain na. Umupo kana. " Si Aling Josie. Taga pagluto ni Hayce. "Teka Manang Carms, Aling Josie ok lang bang magkasabay tayong lahat kumain?" Tanung ko. "Oo naman, bakit ayaw mo?" tanong ni Hayce na nasa likod ko na pala. Nakaligo na ito at mukhang bihis na bihis. Hindi na ako sumagot. Tahimik lang ako hanggang matapos kaming kumain. "By the way Dust pagkatapos kumain magbihis ka may lakad tayo. Napatingin ako kay Hayce at magsalita pa sana,pero sumubo na lang ako at kumain na

